Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese of Legazpi, bukas sa typhoon Rolly evacuees

SHARE THE TRUTH

 602 total views

Binuksan ng Diocese of Legazpi ang kanilang mga simbahan na maging pansamantalang tirahan ng mga residenteng maaapektuhan ng bagyong Rolly.

Hinimok din ni Legazpi Bishop Joel Baylon ang mamamayan na buksan ang kanilang tahanan sa mga magsisilikas na residente.

Umaapela naman ng Obispo ng sama-samang pananalangin ng Oratio Imperata para sa kaligtasan ng lahat sa paparating na bagyong Rolly.

“As Typhoon Rolly approaches, we continue to pray the Oratio Imperata for Deliverance from Typhoons and other Calamities. Let us join our prayers with action, especially in welcoming to our churches and homes if we can our brothers and sisters who need evacuation shelter at this time,”mensahe ni Bishop Baylon

Ipinauubaya na rin ni Bishop Baylon sa mga kura paroko ang desisyon sa pansamantalang pagpapaliban ng mga Misa para sa kaligtasan ng mananampalataya pananalasa ng itinuturing ng PAG-ASA na super typhoon.

Hinikayat din ng Obispo ang mga Pari na makipagpulong sa Parish Disaster Response Committe para sa mabilis na paghatid ng tulong sa mga higit na nangangailangan at sa mga maaapektuhan ng bagyo.

“I leave to Pastors the decision to cancel particular Masses in their parishes. I also request that they convene their PCSC or Parish Disaster Response Committee (PaDReCom) and plan how to help the most vulnerable and affected. Forward your needs, concerns, and updates to our DCSC thru SAC and Veritas Legazpi. They are closely monitoring the situation and looking into how we can help our people, especially those most in need,” ayon sa Obispo.

Hiniling naman ni Bishop Baylon sa mamamayan na mag-ingat at maging handa sa banta ng bagyong Rolly.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 44,809 total views

 44,809 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 82,290 total views

 82,290 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 114,285 total views

 114,285 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 159,012 total views

 159,012 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 181,958 total views

 181,958 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 9,056 total views

 9,056 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 19,549 total views

 19,549 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Archbishop Uy, nanawagan ng tulong

 7,277 total views

 7,277 total views Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mamamayan ng Cebu na magkaisa sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Tino, na nanalasa

Read More »
Scroll to Top