527 total views
Nagpaabot ng panalangin ang Obispo ng Diocese of Calbayog para sa kaligtasan ng mamamayan sa pananalasa ng super typhoon Rolly sa bansa partikular sa Luzon at Bicol region.
Ipinagdarasal ni Calbayog Bishop Isabelo Abarquez na nawa sa pamamagitan ng maawain at mapagpalang kamay ng Panginoon ay mapigilan ang mapanirang epekto ng super typhoon sa buhay at ari-arian ng mamamayang Filipino.
Nagsusumamo rin ang Obispo sa proteksyon ng Panginoon upang magabayan at matiyak ang kaligtasan ng lahat sa pananalasa ng bagyo.
Hinakayat naman ni Bishop Abarquez ang mamamayan na manatiling kalmado at maging laging handa.
Ipinaalala ng Obispo na sa gitna ng anumang pagsubok ay hindi dapat mawalan ng pag-asa at tiwala ang lahat sa pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauhan.
Iginiit ni Bishop Abarquez na walang anumang bagyo o sama ng panahon ang mas lalakas at hihigit sa kapangyarihan ng Panginoon.
PRAYER (Cebuano)
CALBAYOG BISHOP ISABELO ABARQUEZ
Makagagahum ug mahigugmaon namo nga Amahan ang magbubuhat sa kalibutan; Naghangyo kami sa Imong Diosnong kaayo ug panabang nga Imong pugngan ang makusog nga bagyo Rolly nga karon naghulga sa among nasud ilabi na gyud sa mga lugar sa Luzon.
Sagopa O Dios sa Imong mga gamhanang kamot ang bagyo ug pugngi kini O Dios sa pagdagmal kanamo. Kining tanan among gituboy diha Kanimo sa ngalan ni Hesus uban sa gamhanang panabang sa Mahal nga Birhen Maria. Amen!
IN FILIPINO:
Makapangyarihan at mapagmahal na Ama, ang may likha ng lahat ng bagay sa mundo; Kami’y nagsusumamo sa Iyo na tulungan Mo kaming pigilan ang banta ng malakas na bagyong Rolly na kinakaharap ng aming bansa partikular sa Luzon. Nawa’y sa pamamagitan ng Iyong mapagpalang kamay ay mapigilan Mo ito O Diyos sa pananalasa sa aming lugar. Ang lahat ng ito ay aming inialay at hinihiling sa ngalan ng Iyong Anak na si Hesus kasama ng Mahal na Birhen Maria. Amen!