Nakibahagi ang Diocese of Legazpi sa ginanap na Metropolitan Province of Cáceres Research Presentation and Validation Assembly noong Marso 17, 2026 na isinagawa sa Mater Ecclesiae Formation Center.
Ayon sa pahayag ng diyosesis, dinaluhan ang pagtitipon ng mga synodal teams at kinatawan ng Simbahan mula sa iba’t ibang bahagi ng Bikol Region upang pagnilayan ang mga positibo at hamon na kinakaharap ng Simbahan sa Pilipinas.
Bahagi ang aktibidad ng patuloy na pagsisikap ng Simbahan na maisulong ang pagiging isang ganap na Simbahang sinodal sa pamamagitan ng pakikinig, dayalogo, at sama-samang misyon.
“The gathering brought together synodal teams and Church representatives from across the Bikol Region to reflect on the “lights and shadows” of the Church in the Philippines. The activity is part of the continuing effort to build a more synodal Church through listening, dialogue, and shared mission.” Bahagi ng pahayag ng Diyosesis ng Legazpi.
Kabilang sa mganagsilbing kinatawan ng Diyosesis ng Legazpi sina Rev. Msgr. Crispin Bernarte, Jr., Rev. Fr. Gem N.S. Penetrante, Rev. Fr. Luigi de Giambattista, S.d.C., Sr. Pauline Azures, S.O.L.T., Ms. Emely Ordoño, Ms. Georgina Alibin, Ms. Josefina Basilla, Ms. Dehna Sevilla, at Dr. Mark John Palanca.
Dumalo rin sa pagtitipon ang iba’t ibang synodal teams na pinamumunuan ng mga obispo mula sa mga diyosesis sa rehiyon.
Pinangunahan naman ang mga sesyon ng research team ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines katuwang ang University of Santo Tomas, bilang bahagi ng patuloy na pananaliksik at paghubog sa direksyon ng Simbahan sa bansa.






