Diocese of Maasin, umaapela ng tulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 614 total reads

Umapela ng tulong ang Diocese of Maasin sa Southern Leyte para sa kanilang mga mamamayan na naapektuhan ng Tropical Strom Dante.

Ayon kay Rev.Fr. Harlem Gozo, Social Action Director ng Diocese of Maasin, nasa halos 100 kabahayan ang nasira ng bagyong Dante sa kanilang lalawigan dahilan para mawalan ng maayos na tirahan ang mga residente.

Inihayag ni Fr.Gozo na ilan sa mga biktima ay binigyan na ng paunang tulong ng kanilang mga Parokya na mga relief goods o pagkain ngunit ang higit na suliranin ngayon ay ang pagpapatayo muli ng kanilang mga bahay.

“may mga nasira sa bahay-bahay, kailangan nila ng mga building materials, madami din sila mga nasa around a hundred, magbigay na lang muna kami dito kahit kahoy kahoy lang pero sana makapabigay din tayo para kahit para sa pako o pambubong din nila.” Pahayag ni Fr. Gozo

Sa isinagawang assessment ng Diocesan Social Action Center ng Maasin, 4 na parokya sa Maasin City ang may pinakamaraming naapektuhan ng pagbaha at pagbitak ng lupa.

Ilan sa mga nasabing parokya ang tumanggap din ng evacuees sa kasagsagan ng pananalasa ng nasabing bagyo.

Ang Parokya ng Our Lady of the Assumption sa tunga-tunga, Maasin City ang may pinakamaraming naapektuhan na residente kung saan tatlo sa kanilang Basic Ecclesial Community ang may mga nagslikas at binaha ang mga bahay.

Sa ngayon ay patuloy na nagiging abala ang mga apektadong residente upang maglinis ng kanilang mga nasirang kabahayan at makahanap ng mga patuloy pang mapapakinabanggan.

Magugunitang aktibo na nagsasagawa ng rapid assessment ang mga Social Action Center o Caritas offices ng bawat Diyosesis tuwing may mararanasan kalamidad sa kanilang mga lalawigan.

Ito ay upang agad na makapagbigay ng tulong ang Simbahan kung saan nagpapa-abot din ng pagtulong ang ibat-ibang organisasyon nito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 68,218 total reads

 68,218 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 163,827 total reads

 163,827 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 208,095 total reads

 208,095 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 231,204 total reads

 231,204 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 303,251 total reads

 303,251 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 110,297 total reads

 110,297 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top