Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese of Malolos, naglabas ng guidelines sa layko na kakandidato sa 2025 midterm elections

SHARE THE TRUTH

 12,701 total views

Naglabas ng gabay ang Diyosesis ng Malolos para sa mga layko na kakandidato para sa nalalapit na halalan at mga hakbang upang mapanatili ang paninindigan ng mga parokya na walang kinikilingan sa nalalapit na 2025 National and Local Elections.

Sa inilabas na abiso ng PPCRV – Diocese of Malolos, binigyang diin ng pangunahing tagapagbantay ng Simbahan sa halalan ang paninindigan sa pagsusulong ng aktibong pakikibahagi ng bawat mananampalataya sa kabuuang prosesong pang-demokratiko ng bansa sa pamamagitan ng pakikilahok sa halalan.

“Kaugnay ng darating na Halalan sa Mayo 12, 2025, mahalaga na muling pagtibayin ang paninindigan ng Simbahan na manatiling walang kinikilingan. Bagama’t kinikilala at binibigyang halaga natin ang aktibong pakikibahagi ng ating mga mananampalataya at mga parokya sa mga prosesong demokratiko ng bansa, mahalaga na manatiling hindi pang-pulitika ang paninindigan ng Simbahan. Sa ganitong kaisipan, naglabas ang PPCRV ng Diyosesis ng Malolos ng mga paalala para sa mga sumusunod: Gabay para sa mga Layko na Nagnanais Tumakbo sa Halalan at Mga

Hakbang Upang Mapanatili ang Paninindigang Walang Kinikilingan sa mga Parokya.” Bahagi ng inilabas na gabay ng PPCRV Diocese of Malolos.

Kabilang sa mga inilatag na gabay para sa mga laykong kasapi ng Parish Pastoral Council o Samahang Pang-simbahan na tatakbo sa halalan ang pagsusumite ng liham ng pansamantalang pagliban o pagbibitaw sa tungkuling ginagampanan sa Simbahan.

Maari namang bumalik sa paglilingkod sa Simbahan ang mga hindi papalarin sa halalan ngunit sa pahintulot ng Kura Paroko.
Ang mga maihahalal naman at nagnanais na magpatuloy sa paglilingkod sa Simbahan ay maaring manatili bilang pangkaraniwang kasapi na lamang at hindi bilang opisyal na kinakailangan rin ng pagsang-ayon ng Kura Paroko.

Pinaalalahanan naman ng PPCRV Malolos ang bawat parokya sa paninindigan ng Simbahan na walang kikilingan sa panahon ng halalan kung saan ang lahat ng kasapi ng Parish Pastoral Council at mga Samahang Pang-simbahan ay ipinagbabawal na mag-endorso o sumuporta ng sinumang kandidato o partidong pang-pulitika, gayundin ang tumanggap ng anumang pabor o regalo mula sa sinumang mga tatakbo sa halalan.

Hindi rin maaring pahintulutan ng Simbahan na magamit ang anumang pasilidad o kagamitan sa gawaing may kaugnayan sa pangangampanya kabilang na ang paglalagay ng anumang pampulitikang mga anunsyo na pumapabor sa sinumang kandidato.

Pinag-iingat rin ang lahat ng mga parokya sa paggamit ng mga social media platform upang matiyak na hindi ito magagamit upang maiugnay ang Simbahan sa sinumang kandidato o partido, gayundin ang pagiging sanhi ng pagkakawatak-watak dahil sa pipiliing kandidato maging sa personal man o sa social media.
Ang mga nasabing gabay ay nilagdaan nina Diocese of Malolos PPCRV Diocesan Priest Coordiator Rev. Fr. Lou Salvador Jess de Silva, Diocesan Commission on Social Action Chairman Rev. Fr. Melchor Ignacio at Malolos Bishop Dennis Villarojo noong ika-18 ng Pebrero, 2025.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Labanan ang structures of sin

 15,123 total views

 15,123 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »

Huwag palawakin ang agwat

 26,101 total views

 26,101 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 59,552 total views

 59,552 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 79,903 total views

 79,902 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 91,321 total views

 91,321 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 8,223 total views

 8,223 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 8,847 total views

 8,847 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top