7,269 total views
Ipinaalala ni Antipolo Bishop Ruperto Santos at Apostolic Vicariate of Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa mga mananampalataya na gamitin ang kuwaresma upang tanggapin ang kaligtasan na handog ng panginoon sa sanlibutan.
Hinihikayat ni Bishop Santos ang mga Pilipino na palalimin ang pananampalataya ngayong kuwaresma na sinimulan sa ash Wednesday.
Ipinapanalangin ng Obispo na gamitin ng mga mananampalataya ang Kuwaresma upang pagnilayan ang relasyon sa kapwa at pamilya upang maayos ang mga hindi pagkakaintindihan at gawing sentro ang Panginoong Hesukristo sa kanilang pagmamahalan.
Umaasa din si Bishop Santos na gamitin ng mga mananampalataya ang pagsasakripisyo at pagtitika sa pagpapabuti ng buhay ng mga mahihirap.
“On this Ash Wednesday, we receive ashes on our foreheads, symbolizing our mortality and the need for repentance. The words spoken, “Remember, you are dust, and to dust, you shall return” (Gen 3:19), echo the call to humility and self-reflection. This is not merely a ritual; it is an invitation to transform our hearts and minds in preparation for the celebration of Christ’s resurrection at Easter, Let us embrace this season of Lent with open hearts, seeking to grow closer to God through prayer, fasting, and acts of charity. In a world that often feels fragmented and divided, let us be a source of hope and love, embodying the compassion and mercy that our faith calls us to live out daily,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos Sa Radio Veritas.
Hinihikayat naman ni Bishop Pabillo ang mga mananampalataya na gamitin ang kuweresma upang tanggapin ang kaligtasan na handog ng Panginoon sa sanlibutan.
Kasabay ito ng paghahanda sa sarili upang maging pamamagitan ng Panginoon sa higit na pagpapalaganap ng pananampalataya at pagbabasa ng bibliya.
Tinatawagan din ng Obispo ang mga mananampalataya na mag-ayuno upang makiisa sa sakripisyo ng Panginoon matapos ihandog ang Kaniyang bugtong na anak na si Hesus para iligtas sa kasalanan ang sanlibutan.
Ipinapaalala ni Bishop Pabillo na sa pag-aayuno ay iwasan ng mga mananampalataya ang paggamit ng cellphones upang higit na mapalalim ang relasyon sa panginoon, sa kapwa at pamilya.
“Ito po ay ginagawa natin sa pagsasariwa ng ating binyag, gusto po nating mas lalong maisabuhay ang ating binyag, ang ating pagiging anak ng Diyos kaya seryosohin po natin itong panahong ito lalung-lalu na ang panalangin, magbigay tayo ng panahon sa pagdadasal at bahagi po ng ating pagdadasal ay ang pagbabasa ng bibliya At ganundin may mga katangi-tangi tayong panalangin sa panahon ng Kuwaresma katulad po ng pagpapasyon o kaya pagsasagawa ng daan ng krus tapos ito din po ay panahon din ng pagpepenitensya at pag-aayuno, ang pagpigil ng ating sarili upang masupil po ang ating mga makalamang tinig kaya ito po’y kasama diyan ang ating pag-aayuno sa panahon ng Biyernes Santo at Miyerkules Santo yan po ay panahon ng pag-aayuno,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Pabillo.