Mananampalataya, hinimok ng mga Obispo na isapuso ang pagsisi sa kasalanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,904 total reads

Hinimok ni Cubao Bishop Emeritus Honesto Ongtioco ang mga mananampalataya ngayong Ash Wednesday na gamitin ang panahon ng Kuwaresma upang ipinanalangin sa Panginoon ang ikakabuti ng mundo at kapwa

Hinimok din ng Obispo ang mananampalataya na isapuso ang pagsisi sa mga kasalanan at pag-aayuno.

Inihayag ni Bishop Ongtioco na sa pamamagitan nito ay mapapalalim ang pakikipag-ugnayan kay Hesus at higit na mapalaganap ang pag-ibig ng Panginoon sa pagkalinga sa mga nangangailangan at kapwang mahihirap.

“Sana sa mga pagdiriwang na ating gagawin namnamin natin ang mga ito, hindi sapat na tatanggap tayo ng abo sa noo. Ano ang kahulugan nito? Sinasabi sa atin habang nilalagyan tayo ng abo sa noo “magsisi tayo at at maniwala sa magandang balita” Bahagi ng panampalataya ang isabuhay ito kaya mahalaga na tayo ay makinig sa salita ng Diyos ng may pagmamahal nito at hangarin isabuhay ang mga ito,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Ongtioco sa Radio Veritas.

Hinikayat naman ni Tarlac Bishop Roberto Mallari ang mga mananampalataya na banal na gunitain ang Kuwaresma sa pagsisimula ng Ash Wednesday at ugaliin ang pagdarasal upang mapatibay ang relasyon sa Panginoon.

Umaasa ang Obispo na katulad ng paghinga upang mabuhay ay higit na manalangin ang mamamayan at gawing mahalagang bahagi ng pamumuhay.

Ipinapaalala din ni Bishop Mallari ang ipakita ang pananampalataya sa panginoon sa pamamagitan ng pagtitika at pag-aayuno.

Ipinagdarasal ng Obispo na ngayong Kuwaresma, sa pamamagitan ng pagsasakrispisyo ay hindi makalimutan ng mamamayan ang pagbabahagi sa mga kapuspalad.

“Inaanyayahan din tayong bigyan ng pansin ang mga gawang kabanalan kagaya ng fasting and abstinence para sa lalong ikaliligaya ng Diyos. Ipakita na kaya nating iwanan ang lahat ng nakakasiya sa atin upang maipakita na ang Diyos ang siyang nag-iisang tunay na yaman natin, ang paglalaan ng mga kawanggawa para sa mga mahihirap at nangangailangan natin mga kapatid. Buksan ang mga mata, puso at kalooban sa kanila na madalas ay hindi pinapansin.Tumulong tayo upang maibalik ang dignidad na madalas ay nawawala o natatabunan ng matinding kahirapan, gawin natin ang mga paanyaya ng Kuwaresma upang lalong mapabilis ang pagkilos ng Diyos sa buhay natin: Upang mapabanalan tayo at maging kaisa tayo sa patuloy na pagliligtas ng Diyos,” ayon sa mensaheng ipinadala sa Radio Veritas ni Bishop Mallari.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 1,555 total reads

 1,555 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 53,563 total reads

 53,563 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 90,353 total reads

 90,353 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 122,968 total reads

 122,968 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 173,906 total reads

 173,906 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 235,532 total reads

 235,532 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top