Diocese of Pasig, nagbukas na ng aplikasyon para sa WYD2023

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Tumatanggap na ang Diyosesis ng Pasig ng mga aplikante upang kumatawan sa diyosesis sa gaganaping World Youth Day 2023.

Magmula ngayong araw August-6, ay tatanggap na ang diyosesis ng mga kabataang aplikante upang mapabilang sa pilgrim delegate.

Inaanyayahan ni Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara ang mga kabataan na makipag-ugnayan sa Pasig Diocesan Youth Ministry (PDYM) o sa mini-website ng diyosesis para sa iba pang detalye ng pagpapatala.

“Mga minamahal kong kabataan ng Diyosesis ng Pasig, ipinababatid ko sa inyong lahat na ngayong araw August 6, 2022 ay pormal ko ng binubuksan ang pagtanggap ng mga aplikante bilang pilgrims o delegado ng ating Diyosesis ng Pasig sa darating na World Youth Day 2023 sa Lisbon, Portugal,” ayon sa paanyaya ni Bishop Vergara.

Gaganapin ang Pandaigdigang Pagtitipon ng mga Kabataan sa Lisbon, Portugal mula August 1-6, 2023 na naipagpaliban ng isang taon dahil na rin sa novel coronavirus pandemic.

Taong 1986 ng unang isinagawa ang World Youth Day sa pangunguna ng noo’y Santo Papa na si St. John Paul II bilang pandaigdigang pagtitipon ng mga kabataan layong ipalaganap at patuloy na patatagin ang pananampalataya lalo na sa kabataan.

Naitala naman sa Pilipinas noong 1995 World Youth Day Closing Mass ang World Record na Largest Number of People Gathered for a Single Religious Event na umabot sa 5-milyong katao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang kalikasan ay may karapatan

Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas kundi isang

Read More »

Patibong ng kasamaan

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel

Read More »

Anyare sa ICI?

Mga Kapanalig, mahigit anim na buwan mula nang itatag ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI), inanunsyo na ang pagbuwag nito sa darating na Martes,

Read More »

SYNODALITY

Synodality is the process and style of the Church’s life in which all members journey together, participate actively, and discern collectively in mission and governance.

Read More »

SOBRANG LUGMOK NA ANG MGA PINOY

Sa kasalukuyan, hindi na makakaagapay ang milyun-milyong Pilipino., lugmok na lugmok na! Sa nakalipas na buwan ng Pebrero 2026, hirap na hirap na ang mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top