“The Gift of 500” docu-film, inilunsad ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 924 total reads

Bawat bagay ay handog ng Panginoon sa sangkatauhan.

Ito ang mensahe ni Fr. Jayson Laguerta, Director ng Office for the Promotion of New Evangelization (OPNE), sa inilunsad na three-part documentary film na “The Gift of 500” sa San Carlos Seminary Auditorium sa Makati City.

Ayon kay Fr. Laguerta, hinati sa tatlong bahagi ang docu film: temang Gift of Christ, Gift of Community, at ang Gift of Mission.

Paliwanag ng Pari, ito ay upang maipabatid sa mga mananampalataya lalo na sa mga kabataan ang kahalagahan ng pagbabalik-tanaw sa mga pangyayari sa sinaunang panahon upang magbigay kamalayan sa kasalukuyan at susunod pang henerasyon.

“Kapag pinagsama-sama natin ito, mayaman talaga ang ating pananampalataya sa nakalipas na 500 taon, and this is our way of providing talking points so that the conversation continues,” ayon kay Fr. Laguerta.

Tagubilin naman ng pari sa mga mananampalataya lalo na sa mga kabataan na tuwinang magpasalamat sa anumang biyayang natatanggap biyaya, at kasabay din ng pagpapasalamat ay ang pagbabahagi ng biyaya sa kapwa.

“We are gifted, we are grateful, then let’s be generous. Let’s be generous by sharing our gifts to one another. Whatever it is, not necessarily financial or monetary but gifts of talents, time, or presence. These are the things that we can share para ang presensya ni Kristo ay mas maramdaman pa hanggang ngayon ng mga tao,” saad ng Pari.

Binigyang-diin pa ni Fr. Laguerta na nais ding ipaliwanag ng docu-film ang mga pagsubok na pinagdaanan upang maabot ng Kristiyanismo sa Pilipinas ang ika-500 taon at patuloy pang mapagyabong ang pananampalaya.

Ang “The Gift of 500” ay likha ng Archdiocese of Manila- Office for the Promotion of the New Evangelization, sa pakikipagtulungan ng Mary Mother of Hope Chapel-Landmark Makati, Sto. Niño de Paz Greenbelt Chapel, at St. Pauls.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 72,084 total reads

 72,084 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 107,310 total reads

 107,310 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 142,610 total reads

 142,610 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 368,879 total reads

 368,879 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 258,313 total reads

 258,313 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 154,917 total reads

 154,917 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top