Diocese ng Imus, nagbabala laban sa pekeng seminarista

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,265 total reads

Nagbabala ang Diyosesis ng Imus, Cavite sa mga mananampalataya laban sa nagpapakilalang seminarista na nanghihingi ng donasyon.

Ayon sa Diocese of Imus facebook post, may kumakalat na solicitation letters sa diyosesis na humihingi ng tulong-pinansyal para sa ordinasyon sa pagiging pari.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Vicky Alcazar- isang layko mula sa diyoses, si John Michael Castillo ay nagpapakilalang seminarista na ginagamit ang pangalan ni Fr. Bernie Gacelo, kura paroko ng Saint Jude the Apostle Parish sa Bacoor, Cavite at ilang seminarista.

“Siya [John Michael Castillo] ‘yung nanghingi sa akin ng donation para daw sa kanyang sotana. Hiningan ko siya ng katibayan na may pirma ni Fr. Bernie pero wala siyang naipakita sa akin,” pahayag ni Alcazar.

Ayon naman kay Imus Diocesan Social Action Director Father Michael Rueben Cron na mayroon din silang natanggap na ulat hinggil sa kumakalat na solicitation letter.

Pagbabahagi ni Fr. Cron na ginagamit din ni Castillo ang pangalan naman ni Fr. Danilo Tiong, kura paroko ng Saint James the Great Parish sa Imus, Cavite at ilan ding mga seminarista.

Paalala ng pari sa mga mananampalataya na sakaling makatanggap ng solicitation letter, agad na makipag-ugnayan sa mga tanggapan ng parokya o diyosesis upang matiyak na tunay ang sulat na natanggap.

Paliwanag ni Fr. Cron, hindi masamang tumulong sa mga higit na nangagailangan ngunit dapat tiyakin munang mabuti ang patutunguhan at hindi mapapahamak ang simbahan.

“Sana po ay maging matalas ang ating isip at gayundin maging mapagkawanggawa pa rin naman dahil alam nating meron talagang totoong nangangailangan at tayo’y maging instrumento ng Diyos para sa pagkakawanggawa,” pahayag ni Fr. Cron.

Maraming beses nang nagbigay ng babala ang simbahan hinggil sa pananamantala ni Castillo na gumagamit ng iba’t ibang pangalan para makapanlinlang ng kapwa.

Maliban sa Diyosesis ng Imus, umiikot din si Castillo sa iba pang diyosesis lalo na sa Metro Manila sa katulad na dahilan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 72,045 total reads

 72,045 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 107,278 total reads

 107,278 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 142,578 total reads

 142,578 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 368,847 total reads

 368,847 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 258,281 total reads

 258,281 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 154,914 total reads

 154,914 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top