Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese of San Pablo at Pondo ng Pinoy, magkasama sa pagtulong sa mga apektado ng pandemya

SHARE THE TRUTH

 675 total views

Aktibo ang Diocese ng San Pablo sa Laguna sa pagsasagawa ng mga programa na naglalayong makatulong sa mga mahihirap at nangangailangan.

Ito ang tiniyak ni Ms. Ava Istino, isa sa mga taga pangasiwa ng Social Action Center ng Diocese of San Pablo at siya din lay coordinator ng Pondo ng Pinoy sa nasabing diyosesis.

Ayon kay Istino, katuwang ang Pondo ng Pinoy ay iba’t-ibang mga hakbang na ang kanilang nagawa para umagapay sa mga nangangailangan lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Aminado si Istino na nakakalungkot ang kalagayan ng mga kababayang nating mahihirap partikular na sa kanilang lalawigan kung saan marami ang nawalan ng trabaho at mga oportunidad.

“Opo kumbaga mahirap na sila pero sa sitwasyon nitong pandemic lalo silang nadiin sa hirap kahit anong ahon ang gawin talaga kulang na kulang para sa pamilya at saka madami din nawalan ng trabaho kaya hindi mo alam saan sila kukuha ng kakainin kaya bagamat paunti unti lang yun pwede natin itulong at gusto natin tumulong pero hindi natin alam paano lalahatin na sila ay matulungan at mabigyan ng ayuda pero at least may opportunity tayo at yun ang aming pinagsisipagan dito sa Social Action [San Pablo],” pahayag ni Ms. Istino sa panayam ng programang Caritas in Action.

Naniniwala si Istino na malaki ang tulong ng Pondo ng Pinoy at ng mga sumusuporta dito upang makakilos ang Simbahan at makatuwang sa suliranin ng mga mahihirap.

Aniya, malaking aral ang kanyang natutunan mula sa pag-iipon ng bente singko sentimos para sa Pondo ng Pinoy na siya namanag ginagamit upang makapagsagawa ng maraming proyekto tulad ng livelihood at scholarship program ng Diyosesis.

“Doon ko po naramdaman ang pagkilos ng Diyos na nagsimula lang sa pagbibilang ng 25 sentimos. Ito po ako ngayon gumagawa ng mga project proposal katuwang ang aking Director [Fr. Noel Panopio] tapos bumaba kami sa mga tao para maramdaman lalo na ang ginagawa mong pagbibilang ay hindi lang pala pagbibilang. marami itong maitutulong kahit 25 sentimos lang,” dagdag pa ng Finance Officer ng Social Action Center ng Diocese of San Pablo.

Sa datos na ibinahagi ni Istino sa Radyo Veritas, tinatayang umabot na sa P5 Milyong piso ang halaga ng tulong na kanilang natamo mula sa Pondo ng Pinoy.

Magugunitang taong 2004 nang ilunsad ni noo’y Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales ang Programang, Pondo ng Pinoy na kilala sa temang; Ano mang magaling, kahit maliit, basta’t malimit ay patungong langit.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 20,435 total views

 20,435 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »

Abot-tanaw na ang Bagong Pilipinas?

 40,120 total views

 40,120 total views Mga Kapanalig, nagsimula na noong nakaraang Lunes ang ikadalawampung Kongreso. Kasabay ng pagbubukas ng sesyon ng Kongreso ay ang ikaapat na State of

Read More »

LEGISLATIVE HOUSEKEEPING

 78,063 total views

 78,063 total views Senate President Francis Escudero., a master of heist? o isang magaling na hunyango? Kapanalig, ang isang hunyango ay magaling magtango., eksperto sa pag-adopt

Read More »

LEGACY OF CORRUPTION

 96,212 total views

 96,212 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 34,706 total views

 34,706 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 47,998 total views

 47,998 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »
1234567