Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese of San Pablo, doble ang pag-iingat laban sa COVID-19 delta variant

SHARE THE TRUTH

 498 total views

Muling nilimitahan sa 10-percent seating capacity ang mga religious gatherings sa lalawigan ng Laguna kabilang na ang mga parokyang sakop ng Diyosesis ng San Pablo.

Ito’y matapos muling ipatupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa buong lalawigan mula kahapon, hanggang Agosto 15, 2021.

Ito’y pagtalima ng Diocese of San Pablo sa pag-iingat bunsod ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 at banta ng Delta variant.

Ayon kay San Pablo Bishop Buenaventura Famadico, patuloy na ipinapatupad sa buong Diyosesis ang mga health and safety protocols upang mabantayan at matiyak na ligtas ang bawat mananampalataya sa banta ng COVID-19.

“Tulad ng dati, sinusunod ng Diocese ang mga protocol ng IATF para sa MECQ,” pahayag ni Bishop Famadico sa panayam ng Radio Veritas.

Dalangin naman ni Bishop Famadico na nawa’y patuloy na gabayan at iligtas ng Panginoon ang bawat isa laban sa kapahamakan at panganib na dala ng COVID-19 lalo’t higit sa banta ng Delta variant.

Batay sa huling ulat ng Department of Health, kinumpirma nito ang 36 na kaso ng COVID-19 Delta variant sa Region 4A o CALABARZON.

Naitala sa Laguna ang 17-kaso ng Delta variant – ang pinakamataas sa buong rehiyon; sinundan naman ito ng siyam na kaso sa Cavite; anim na kaso sa Batangas; apat sa Rizal, habang wala namang naitala sa Quezon.

Sa kabuuang bilang, umabot na sa 67,064 ang kaso ng COVID-19 sa Laguna, kung saan 2,851 rito ang aktibo, at 407 naman ang panibagong kaso.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Huwag palawakin ang agwat

 3,007 total views

 3,007 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 36,458 total views

 36,458 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 57,075 total views

 57,075 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 68,741 total views

 68,741 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 89,574 total views

 89,574 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Bishop Bagaforo, nahirang sa FABC

 5,512 total views

 5,512 total views Hinirang ng Federation of Asian Bishops’ Conference (FABC) si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo bilang Bishop Member ng FABC Office of Human Development

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagkaaresto kay Digong, tagumpay ng katarungan

 9,123 total views

 9,123 total views Itinuturing ng Alyansa Tigil Mina (ATM) bilang tagumpay ng katarungan ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top