Isantabi ang sarili sa 2022 national elections, panawagan ni Bishop Pabillo sa mga botante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 712 total reads

Hindi lamang ang materyal na pangangailangan ang pinupunuan ng Diyos kundi maging ang mas malalalim at mahahalagang ninanais ng puso ng bawat isa.

Ito ang binigyang diin ni Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan Bishop-elect Broderick Pabillo sa biyayang hatid ng Panginoon para sa lahat.

Ayon sa Obispo na siya ring outgoing chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity, ito ang dapat na maging batayan ng bawat isa sa pagpili ng mga karapat-dapat na mga opisyal ng bayan sa 2022 national elections.

“Hindi lang binubusog ng Diyos ang ating tiyan. God also satisfies the deeper longings of our heart. Jesus has come in order to satisfy our deeper human longings.”pagninilay ni Bishop Pabillo sa kanyang misa sa Veritas Chapel.

Ipinaliwanag ni Bishop Pabillo na hindi dapat ibatay ng mga botante sa pansariling kabusugan o kabutihan ang pagpili ng mga kandidato sa halip ay para sa pangkabuuang kapakanan ng bayan.

Partikular na tinukoy ng Obsipo ang problema ng vote buying tuwing halalan kung saan nangingibabaw ang kasakiman.

Iginiit ni Bishop Pabillo na dapat isaalang-alang ng mga botante sa paghalal ng mga opisyal ng pamahalaan ang kabutihan ng bansa at mamamayan.

“Hindi naman talaga si Jesus, ang Diyos ang hinahanap kundi ang sarili nilang (mga tao sa lumang panahon) kabusugan. Hindi ba madalas din ito mangyari sa atin? Hinahanap natin kung ano ang makukuha natin? Hinahanap natin ang mga kandidato na makabibigay ng gusto natin at hindi naman ng ikabubuti ng bayan? Kaya kapag nakatanggap ng anumang halaga, binoto na sila. Wala namang love of country but love of self.” Dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Pinayuhan ng Obispo ang mamamayan na huwag unahin ang pangangailangang materyal sa paghalal ng mga kandidato.

Kaugnay nito, itinuturing ng Simbahang Katolika na pagnanakaw sa dangal at kalayaan ng bayan ang pagbibenta ng boto sa mga makasariling kandidato na tanging posisyon at kapangyarihan lamang ang ninanais.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 16,641 total reads

 16,641 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 17,488 total reads

 17,488 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 34,160 total reads

 34,160 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 71,537 total reads

 71,537 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 102,806 total reads

 102,806 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 177,878 total reads

 177,878 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 270,421 total reads

 270,421 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 26,431 total reads

 26,431 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top