Araw ng Miyerkules, inilaan ng Simbahan sa mga manggagawa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 550 total views

Inilaan ng St. Joseph the Worker Parish sa Balintawak Quezon City ang araw ng Miyerkules para sa mga manggagawa at naghahanap ng trabaho.

Ito ang ibinagi ni Fr. Jojo Zerudo, kura paroko ng parokya sa panayam ng Radio Veritas.

Ayon sa pari, ito ang paraan ng parokya para tulungan ang sektor ng manggagawa na labis naapektuhan sa naranasang pandemya kung saan marami ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa pagkalugi ng mga negosyo.

“Ginagawa namin every Wednesday sa 6PM mass mayroong pagdarasal at pagbabasbas una para sa mga manggagawa at ikalawa para naman sa naghahanap ng trabaho,” pahayag ni Fr. Zerudo sa Radio Veritas.

Batid ng Radio Veritas anchor-priest ang pangamba ng maraming mamamayan na nawalan ng trabaho mula ng ipatupad ang mahigpit na panuntunan ng community quarantine noong 2020 bunsod ng coronavirus pandemic.

Ipinaliwanag ni Fr. Zerudo na makabuluhan ang pamamagitan ni San Jose sapagkat ito rin ang patron ng mga manggagawa na ipinagdiwang ang kapistahan tuwing Mayo 1 kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day.

Hinikayat ng pari ang mananampalataya na dumalaw sa parokya ng San Jose Balintawak (SanJoBal) upang makatanggap din ng indulhensya plenarya na iginawad ng Vatican sa bisa ng pagdiriwang ng Year of St. Joseph.

Nagsimula ang plenary indulgence noong June 29 at magtatapos naman sa Mayo 1, 2022 kasabay ng kapistahan ng patron.

Sa datos ng pamahalaan umabot sa halos 10 milyon ang nawalan ng hanapbuhay nang magpatupad ng lockdown noong 2020 habang nitong Abril 2021 naitala naman ang mahigit apat na milyong Filipino ang nawalan ng kabuhayan ng muling ipatupad ang ECQ sa Metro Manila at karatig lalawigan dahil sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Sa Agosto 6 hanggang 20 ay nakatakdang isailalim muli ang National Capital Region sa ECQ kung saan una nang nagbabala ang ilang grupo na maaring mawalan ng kabuhayan ang halos dalawang milyong mamamayan sa kalakhang Maynila.

Umaasa si Fr. Zerudo na sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap ng mamamayan ay manatiling kumapit at manalig sa Diyos upang higit na mapatatag ang pananampalataya na mapagtagumpayan ang anumang hamong kinakaharap.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 89,336 total views

 89,336 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 119,559 total views

 119,559 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 146,208 total views

 146,208 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 241,181 total views

 241,181 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 256,317 total views

 256,317 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top