Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese of Tagbiliran, nakaalerto sa bagyong Tino

SHARE THE TRUTH

 65,053 total views

Naghahanda na ang Diocese of Tagbilaran sa posibleng pinsalang dulot ng Bagyong Tino, na kasalukuyang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Ayon kay Diocesan Administrator Fr. Gerardo Saco, inatasan na niya ang lahat ng kura paroko na manatili sa kani-kanilang parokya, maging alerto, at makipag-ugnayan sa mga lokal na Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) bilang paghahanda sa bagyo.

“I’m calling all the parish priests and priests here in the diocese to stay in their parishes and be alert. Communicate with the local LGUs in preparation for the typhoon,” pahayag ni Fr. Saco sa panayam ng Radyo Veritas.

Pinangunahan ni Fr. Saco ang pulong kasama ang Social Action Ministry ng diyosesis kung saan bumuo ng action plan na hinati sa tatlong yugto ang ‘before, during, and after the typhoon’ upang magabayan ang mga parokya at komunidad sa mga nararapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng bagyo.

Umapela rin ang pari sa mga cluster leaders ng mga Basic Ecclesial Communities (BECs) na makipag-ugnayan sa mga parokya, at sa mga mamamayan na sumunod sa mga abiso ng lokal na pamahalaan upang maiwasan ang panganib.

“We encouraged parish priests and cluster leaders to coordinate with local disaster councils and to assist residents, especially those in barangays and puroks. We encourage families to prepare ‘pack and go’ bags good for three days and to stay together in their homes during the typhoon,” dagdag pa ni Fr. Saco.

Hinimok din ni Fr. Saco ang mga naninirahan sa mga mapanganib na lugar na lumikas agad at sundin ang mga kautusan ng pamahalaan. Tiniyak niyang bukas ang mga simbahan, social halls, at seminaryo ng diyosesis bilang mga evacuation center para sa mga nangangailangan ng mas ligtas na masisilungan.

“We also asked parish priests to open churches, social halls, and function halls as evacuation centers for their communities,” ayon sa pari.

Bukod sa paghahandang pisikal, nanawagan din si Fr. Saco sa mga Boholano na magkaisa sa pananalangin para sa kaligtasan ng lahat sa gitna ng banta ng bagyo.

Una nang naglabas ang diyosesis ng Oratio Imperata na maaaring dasalin ng mga mananampalataya, kasama ang panawagang magdasal ng Santo Rosaryo bilang espirituwal na sandigan sa panahon ng sakuna.

Sa pinakahuling ulat ng PAGASA, isinailalim na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ang buong lalawigan ng Bohol dahil sa patuloy na paglapit ng Bagyong Tino.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nasasayang na oras

 20,975 total views

 20,975 total views Mga Kapanalig, ilang oras ang nasasayang ninyo tuwing naiipit kayo sa matinding trapik? Ayon sa TomTom Traffic Index, umabot sa 143 hours—o katumbas

Read More »

Wakasan ang political dynasties!

 39,324 total views

 39,324 total views Mga Kapanalig, sa wakas, tinatalakay na ng Kongreso ang Anti-Political Dynasty Bill! Layunin ng panukalang batas na wakasan ang pamamayagpag ng iilang pamilya

Read More »

Nasaan ang mga “makabayan”?

 57,608 total views

 57,608 total views Mga Kapanalig, may pagbabanta ang China sa mga senador at opisyal ng gobyerno na dumedepensa sa West Philippine Sea.  Sa isang statement na

Read More »

Wala ba talagang due process?

 212,625 total views

 212,625 total views Mga Kapanalig, balik-kulungan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pansamantalang pagkulong kay dating Senador Revilla kaugnay ng kasong

Read More »

Mas maliwanag na bukas?

 257,072 total views

 257,072 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng pamahalaan ang makasaysayang pagtuklas ng natural gas sa Malampaya East-1 (o MAE-1) reservoir sa karagatan ng Palawan. Ang MAE-1

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top