152 total views
Nagpaabot ng pakikiisa sa pamahalaan at sambayanang Filipino ang Diplomatic Corps sa pangunguna ni Archbishop Giusseppe Pinto na siyang Apostolic Nuncio to the Philippines at Dean ng Diplomatic Corps kaugnay sa pananalasa ng Bagyong Nina sa bansa bago magtapos ang taong 2016.
Ayon kay Archbishop Pinto, kaisa ng pamahalaan ang Diplomatic Corps sa pananalangin at pagsusumikap na muling maibalik ang normal na pamumuhay ng may halos isang milyong naapektuhan ng pananalasa ng naturang bagyo.
“Mr. President, the word “solidarity” means much in this country and we, members of the Diplomatic Corps, feel that we were part of the Filipino people of its hospitality and its determination to face the challenges of advertising growth, adversities brought about by forces of nature or arising from events that take place.”pahayag ni Archbishop Pinto
Bukod dito, tiwala rin ang Papal Nuncio na muling mapapagtagumpayan at makakabangon ang mga biktima ng nagdaang kalamidad sa pamamagitan na rin ng pagkakaisa at pagmamalasakit sa kapwa na natural na angking katangian ng mga Filipino.
Pagbabahagi pa ng Arsobispo, nasa mga kamay lamang ng bawat Filipino ang sagot at naangkop na tugon upang muling maibalik sa dati ang buhay ng mga naapektuhan ng huling bagyong nanalasa sa bansa noong nakalipas na taon.
“Natural phenomena like the super typhoon Nina which devastated the region of Bicol and the provinces of Legaspi and Catanduanes on Christmas Day last year have setback the achievements obtained with great sacrifices. More than a million people were left homeless and jobless. Where can they find their resources for a new and better reconstruction? The answer lies first of all in the Filipinos themselves and in their ability to shape their future again and again, in their enthusiasm for community life and their passion, forgiving and the receiving support.” dagdag pa ni Archbishop Pinto.
Magugunitang mabilis na kumilos ang Archdiocese of Manila sa pamamagitan ng Radio Veritas at Caritas Manila para tugunan ang pangangailangan ng mga biktima ng bagyong Nina.
Read: http://www.veritas846.ph/archdiocese-manila-aagapay-sa-mga-biktima-ng-bagyong-nina/
http://www.veritas846.ph/1-3-milyong-piso-financial-assistance-ng-caritas-manila-sa-mga-biktima-ng-bagyong-nina/
http://www.veritas846.ph/special-collection-sa-mga-misa-para-sa-mga-biktima-ng-bagyong-nina/
http://www.veritas846.ph/diocese-gumaca-pinasalamatan-ang-radio-veritas-caritas-manila/
Batay sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) tinatayang aabot sa higit 1.5-milyong indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Nina o katumbas ng 326,632-pamilya mula sa CALABARZON, MIMAROPA, Region 5 at Region 8.
Bukod dito, tiniyak rin ni Archbishop Pinto sa isinagawang tradisyunal na Vin D’Honneur sa Malacañang ang patuloy na pakikiisa ng Diplomatic Corps sa responsibilidad ng pamahalaan upang ganap na makamit ng Pilipinas ang pag-unlad at pagpapabuti sa kalagayan ng lahat ng mga mamamayan.