Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Disiplina sa pagsunod sa health protocols kontra Covid-19, panawagan ng Quiapo church sa mga deboto

SHARE THE TRUTH

 510 total views

Nagpapasalamat ang pamunuan ng Quiapo Church sa pagbibigay pahintulot ng pamahalaan ng Maynila na madagdagan ang bilang ng mga maaring dumalo sa pampublikong misa.

Ayon kay Fr. Douglas Badong-parochial vicar ng Minor Basilica of the Black Nazarene o mas kilala bilang Quiapo Church, ito ay malaking tulong para sa mananampalatayang nanabik nang makatanggap ng Eukaristiya.

Umaasa din ang pari na sa kabila ng pagbibigay-luwag ng Maynila ay patuloy na sumunod ang bawat isa sa ipinatutupad na health protocols upang hindi na tumaas pa ang bilang ng mga nahahawaan ng pandemic novel coronavirus.

“Hopefully by that time (advent) mag-increase tayo ulit. Sa ngayon okay na tayo sa 30-percent. Hindi rin naman nating puwedeng biglain yung pagdagsa ng mga tao sa simbahan,” ayon kay Fr. Badong.

Ang kautusan ni Manila Mayor Francisco Domagoso na pagpapahintulot sa 30-porsiyento ng kapasidad ng simbahan mula sa dating 10-porsiyento ay nagsimula noong Lunes.

“Maganda rin ngayon kasi, at least nasasanay na ang mga tao, madidisiplina ang tao sa pagpasok at paglabas ng simbahan. Inihahanda tayo para sa pagdating ng Simbang gabi medyo aware na sila at kung papano kumilos at paano ang galaw natin sa misa,” dagdag pa ng pari.

Naniniwala ang pari na sa pamamagitan ng paunti-unting pagluwag ng community quarantine ay masanay at madisiplina ang mga tao sa pag-iingat sa pamamagitan ng pagsusuot ng face mask at face shield gayundin ang pag-aagwat ng distansya.

Umaasa din si Fr. Badong na nawa bago dumating ang adbiyento at pagsasagawa ng simbang gabi ay mas marami pang mananampalataya ang bigyang pahintulot na makadalo sa simbahan para sa mga pangsimbahang pagdiriwang.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 11,513 total views

 11,513 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 19,613 total views

 19,613 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 37,580 total views

 37,580 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 66,883 total views

 66,883 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 87,460 total views

 87,460 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Disaster News
Marian Pulgo

Pilipinas, magpapadala ng rescue team sa Myanmar

 11,690 total views

 11,690 total views Inanunsyo ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na magpapadala ang Pilipinas ng 114 personnel bukas upang tumulong sa search and rescue

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top