VeritasPH

The Word, The Truth

 203 total views

Homiliya Para sa Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, 24 ng Hulyo 2022, Lk 11:1-13

Si San Agustin ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa homiliyang ito. Minsan, naisulat niya sa kanyang CONFESSIONES, na sa gitna ng pananalangin niya sa Diyos, nasabi niya: “Panginoon, mas malalim na di hamak ang pagkilala mo sa akin kaysa pagkilala ko sa sarili ko,” o “mas alam mo kaysa sa akin ang nasa sariling kalooban ko.” Sa Latin “Interior intimo meo et superior summo meo.” Sa Ingles, You are closer to me than I am to myself.

Ang ating Gospel reading ngayon ay ang sagot ni Hesus sa pakiusap ng kanyang mga alagad na turuan daw sila kung paano manalangin. Kay Hesus, ang mas importante sa pananalangin ay hindi naman ang sasabihin o dadasalin natin kundi ang pagtingin natin sa relasyon o kaugnayan ng Diyos sa atin.

Ganito ang punto ni Hesus sa itinuro niya tungkol sa pananalangin: “Huwag kayong magdasal sa Diyos na para bang napakalayo niya, na para bang kailangan pa siyang hikayatin na lumapit sa atin sa pamamagitan ng maraming mga salita. Na para bang kailangang muna siyang alayan akitin o amuin o alayan maraming regalo o sakripisyo. Para kay Hesus, ang pinakaunang dapat mabago sa ating pananalangin ay ang ating pananaw sa Diyos at sa sarili natin kapag lumalapit tayo sa kanya. Mahalagang alam natin kung sino tayo sa kanya.

Hindi naman tayo mga alipin na kailangang magmakaawa sa kanya na para ba siyang isang malupit na amo o makapangyarihan hari. Sa ating ebanghelyo, dalawang talinghaga ang ginagamit ni Hesus para ipaunawa niya sa atin kung sino ba tayo sa harapan ng Diyos. Una, tumawag daw tayo sa Diyos kung paanong tumatawag ang isang munting bata sa kanyang tatay. Ikalawa, makitungo daw tayo sa Diyos katulad ng pakikitungo ng kaibigan sa kaibigan.

Simulan natin sa una: ang anak na tumatawag sa magulang. Noong seminarista pa ako, nagcompose ako ng kakaibang version ng Ama Namin. Ginawa kong TATAY NAMIN. Tumawa lang ang mga parokyano, ayaw nilang kantahin, masagwa daw. E ganoon ang itinuro ni Hesus sa ebanghelyo. Sa pagdarasal ng tao sa Diyos, ang mungkahi ni Hesus na itawag sa Diyos kung sa Ingles ay hindi “Our Father” kundi “Our Daddy”, Kung sa Kastila, hindi “Padre Nuestro” kundi “Papa Nuestro.” Kaya sa Tagalog, hindi “Ama Namin” kundi “Tatay Namin”. Katulad baga ng malambing o makarinyong pagtawag ng isang bata sa tatay niya.

Para kay Hesus, hindi tayo magkakaroon ng lakas ng loob na tumawag nang ganoon sa Diyos kundi sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Kaya sinabi niya, “Kung ang mga tatay natin dito sa lupa hindi nila matiiis na hindi maibigay ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak bago pa nila hilingin ang mga ito, ang Diyos pa kaya ang makatitiis na hindi pagkalooban ng Espiritu Santo ang mga anak niya na humihingi nito sa kanya?”

Bukod-tanging ang Espiritu Santo ang magpapalakas ng ating loob na maging palagay ang loob sa ating kaugnayan sa Diyos, katulad ng anak na palagay ang loob sa kanyang tatay. Ito ang tinutukoy ni San Pablo na diwa ng pagiging “anak na inampon”. Sabi niya sa Romans 8, 14-17, “Ang mga ginagabayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos. Hindi kayo tumanggap (aniya) ng espiritu ng pagkaaalipin lubhang kayo’y bumalik sa pagkatakot. Ang tinanggap ninyo ay ang diwa ng pagiging mga anak na inampon, diwang pumupukaw sa ating kalooban na tumawag sa Diyos bilang “Tatay.” Ang Espiritu Santong kumikilos sa ating kalooban ang nagpapatotoo na mga anak nga tayo ng Diyos, at kung anak ay mga tagapagmana ng Diyos, kapwa tagapagmana ni Kristo, kung maging handa lang tayo na magdusang kasama niya, upang tayo rin ay makiisa sa kanyang kaluwalhatian.”

Takot ang batayan ng relasyon ng alipin sa kanyang amo, hindi tulad ng sa anak. Ang sa anak ay pag-ibig sa kanyang tatay. Ito ang sinabi ni San Juan sa kanyang unang sulat 4,18: “Walang pagkatakot sa pag-ibig. Iwinawaksi ng ganap na pag-ibig ang pangamba dahil ito’y nagmumula sa takot na maparusahan. Kaya ang pinaghaharian pa rin ng takot ay hindi pa lubos na umiibig.” Kung takot pa rin ang nag-uudyok sa atin na sumunod sa batas, wala pa ring pag-ibig. Sabi nga ni San Juan sa kanyang Unang Sulat, Jn 4:19, “Tayo ay nagmamahal dahil siya ang unang nagmahal sa atin.”

Hindi naman natin matututuhang mahalin ang Diyos bilang anak sa ama, kundi sa pamamagitan ni Kristo Hesus, ang bugtong na anak ng Diyos. Kaya lahat ng panalangin natin, bilang mga Kristiyano ay hinihiling natin SA NGALAN NI HESUS.

Ang pangalawang modelo ng pakikipag-ugnay sa Diyos ay kaibigan sa kaibigan. Ito ang narinig nating talinghagang sa ebanghelyo tungkol sa kaibigang may lakas ng loob na gisingin ang kaibigan sa gitna ng gabi para humiram ng pagkaing ipapakain sa kanyang bisita.

Sa ating unang pagbasa, kahit magalang makiusap si Abraham, para siyang kaibigan na nakikipag-usap sa kaibigan. Malakas ang loob niya na makipagtawaran sa Diyos dahil iniisip niya ang kapakanan ng kanyang kamaganak na si Lot kung sakaling maparusahan ang Sodom at Gomorrah at madamay sila. Ayon sa kuwento, nakatayo nang malapit ang Panginoon kay Abraham. At lumapit pa nang konti itong si Abraham at pabulong na nagtanong, “Maatim mo ba kung madamay ang mga walang kasalanan sa pagparusa mo sa mga may kasalanan? Paano kung may 50 kataong walang kasalanan?”

Ganoon ang kaibigan sa kaibigan. Nagsasabi nang tapat. Dahil palagay ang loob, kaya niyang buksan ang nasa loob niya sa kanyang kaibigan. Kaya niya itong pagsabihan o sumbatan.

Minsan, nagreklamo daw si Santa Teresa de Avila sa Panginoon. Tinanong niya kung bakit hinahayaan siya ng Diyos na magdusa nang labis-labis. Ang sabi daw ng Diyos sa kanya, “Kasi, kaibigan kita.” At ito naman ang mabilis na sagot niya, “Kaya naman pala kakaunti lang ang iyong mga kaibigan!”

Si Hesus mismo, nasabi rin niya sa kanyang mga alagad, “Hindi na alipin ang tawag ko sa inyo sapagkat hindi alam ng alipin ang ginagawa ng kanyang amo. Sa halip, kaibigan ng turing ko sa inyo.” (Jn 15:15)

Minsan, kahit masakit, kaya mong tanggapin kapag galing sa isang taong mahal sa iyo. Katulad ng magkapatid na Martha at Maria na kapwa nagpahayag ng sama ng loob kay Hesus tungkol sa pagkamatay ng kanilang kapatid: “Kung nandito ka lang hindi sana namatay ang aming kapatid.” At imbes na mangatuwiran pa siya, nilunok na lang niya ang mapait na sumbat ng magkapatid at nakiisa sa kanilang pag-iyak at pagluluksa.

May paborito akong dasal sa Bibliya. Magandang baunin ito at balik-balikan para sa tamang paraan ng pananalangin. Ito ang Salmo 139. Ganito ang pahayag ng manunulat sa kanyang panalangin, “Panginoon alam mo ang nasa puso ko at kilala mo ako, alam mo kung kailan ako uupo o tatayo, alam mo rin kung ano ang iniisip ko…batid mo ang pag-uugali ko. Bago ko pa bigkasin ang isang salita alam mo na ang sasabihin ko. Nariyan ka sa likuran ko at sa unahan ko, nariyan ka sa tabi ko. Nariyan ka’t laging nakapalibot sa akin, hawak-hawak mo ang kamay ko. Bago pa ako isilang, naroon ka na, ikaw ang bumuo sa akin sa sinapupunan ng aking ina.”

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 6,365 total views

 6,365 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 22,351 total views

 22,351 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 30,396 total views

 30,396 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 35,476 total views

 35,476 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 41,182 total views

 41,182 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 2,707 total views

 2,707 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,123 total views

 7,123 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,449 total views

 2,449 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 2,972 total views

 2,972 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,471 total views

 4,471 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,315 total views

 5,315 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 3,570 total views

 3,570 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 7,783 total views

 7,783 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,016 total views

 7,016 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,228 total views

 11,228 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 4,676 total views

 4,676 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 4,680 total views

 4,680 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 4,680 total views

 4,680 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 4,672 total views

 4,672 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IBIG KO PO SANANG MAKAKITA

 4,672 total views

 4,672 total views IBIG KO PO SANANG MAKAKITA Homiliya para sa Huwebes sa Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon, a-30 ng Mayo 2024, Markos 10:46-52 Tutukan natin ng pagninilay ang tungkol sa halaga ng PAKIKIRAMDAM bilang bilang simula ng pagiging alagad. Husay sa PAKIKIRAMDAM ang translation ko ng ATTENTIVENESS. Nasabi ko na minsan sa inyo na sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top