VeritasPH

The Word, The Truth

Drug war victims, makakamit pa ba ang katarungan?

SHARE THE TRUTH

 250 total views

Mga Kapanalig, isa sa mga ipinagmamalaking tagumpay umano ng nakaraang administrasyong Duterte ang agresibong kampanya nito laban sa ipinagbabawal na gamot. At marami ang mga napaniwalang sa marahas na paraan matutugunan ang iligal na drogang itinuturing ng marami bilang malaking problema sa ating bansa.

At itutuloy daw ito ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Gayunman, ipapatupad daw niya ang kampanyang ito nang sang-ayon sa batas at nang may pagkilala sa mga karapatang pantao. Magiging focus daw ang rehabilitasyon ng mga kababayan nating gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Sana nga.

Ang “war on drugs” ng dating Pangulong Duterte ay nag-iwan ng libu-libong biyuda at mga ulilang bata. Sila ang mga kapatid nating hanggang ngayon ay nararanasan pa rin ang sakit ng pagkawala ng kanilang mahal sa buhay—mga tatay, kapatid, at anak na hindi nabigyan ng pagkakataong maipagtanggol ang kanilang sarili sa tamang proseso ng batas. Pinatay sila ng mga tagapagpatupad ng batas na humahabol sa kanilang quota. Pinatay sila ng mga ‘di pa ring nakikilalang mga suspek na hinihinalang tauhan din ng mga pulis. Pinatay sila dahil sila raw ay nanlabán. Pinatay sila dahil salot sila sa lipunan.

Naghahanap ng katarungan ang mga naulila ng mga biktima ng “war on drugs”. Ang nakalulungkot, sa dami ng mga namatay, napatay, o pinatay, mabibilang lamang ang mga nabigyan ng pagkakataong mapanagot ang mga nasa likod ng kanilang pagkawala. Noong 2021, sinabi ng Department of Justice na na-review na nito ang 52 kaso para sa posibleng criminal liability ng mga sangkot na pulis. Napakakaunti nito kumpara sa hindi bababa sa anim na libong namatay sa mga police operations hanggang noong Mayo 2022. Hindi pa rito kasama ang mga biktima ng tinatawag na vigilante-style killings, na ayon sa mga human rights groups ay maaaring umabot sa 30,000.

Sa kabila nito, idiniin ng kasalukuyang administrasyon na gumagana naman ang sistemang pangkatarungan sa bansa. Kaya naman, kagaya ni Pangulong Duterte, nagpasya si Pangulong Marcos Jr. na hindi na muling babalik ang Pilipinas sa International Criminal Court (o ICC) at sa Rome Statute na nagtatag ng ICC. Ang ICC ang nakikitang paraan ng mga tagapagsulong at tagapagtanggol ng karapatang pantao upang makakamit ng katarungan ang mga biktima ng marahas na war on drugs ng nakaraang administrasyon. Ito na nga sana ang “last resort” ng mga napagkakaitan ng hustisya sa Pilipinas. Ito sana ang paraan upang maimbestigahan kung sinu-sino ang mga nasa likod ng mga pagpatay at kung sinu-sino ang mga hindi kumilos upang matigil ang pagdanak ng dugo sa ngalan umano ng kaayusan at kaligtasan.

Pero mukhang hindi ito prayoridad ng bagong pangulo. Kung sabagay, malaki ang utang na loob ni Pangulong Marcos Jr sa dating pangulo at katambal pa niya ang anak nito. Hindi siya gagawa ng anumang hakbang na ikasisira ng kanilang alyansa sa pulitika. At ano rin ang maasahan natin sa isang lider na itinatanggi ang pang-aabuso, paglabag sa karapatang pantao, at kawalang katarungan noong panahon ng diktadurya?

Binibigyang-diin sa mga panlipunang turo ng ating Simbahan na pangunahing papel ng pamahalaan ang tiyaking makakamit ng mga mamamayan ang tinatawag nating common good. At magiging posible lamang ito kung naitataguyod ang kanilang mga karapatang pantao at kung umiiral ang tunay na katarungan. Akmang paalala nga sa ating mga lider ang nakasaad sa Isaias 1:17, “pairalin ang katarungan… ipagtanggol ninyo ang mga ulila, at tulungan ang mga biyuda.”

Mga Kapanalig, nakalulungkot na sa pagmamatigas ng ating gobyernong hindi makipagtulungan at hindi bumalik sa ICC, pinagkakaitan nito ng katarungan ang mga Pilipinong hindi mabigyan ng hustisya sa sarili nating bayan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 8,921 total views

 8,921 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 16,906 total views

 16,906 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 24,442 total views

 24,442 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 40,427 total views

 40,427 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 48,471 total views

 48,471 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 8,922 total views

 8,922 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 16,907 total views

 16,907 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 24,443 total views

 24,443 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 40,428 total views

 40,428 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 48,472 total views

 48,472 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,757 total views

 45,757 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,182 total views

 44,182 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,968 total views

 45,968 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,893 total views

 42,893 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,207 total views

 57,207 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,897 total views

 60,897 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,500 total views

 59,500 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,487 total views

 69,487 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,455 total views

 73,455 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,342 total views

 84,342 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top