Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Dugo sa mga kamay ni Pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

 249 total views

Mga Kapanalig, ilang linggo bago siya bumaba sa puwesto, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi niya kinukundena ang itinuturing niyang kaibigan na si Vladimir Putin, ang presidente ng Russia. Mahigit tatlong buwan na ring nagpapatuloy ang pananakop ng Russia sa bansang Ukraine, at mahigit apat na libong sibilyan na ang namamatay at milyun-milyon ang napilitang lumisan. Ikinalulungkot daw ng ating presidente ang pagkamatay ng mga inosenteng mamamayan ng Ukraine, ngunit hindi naman din niya kukundinahin si President Putin.

Gayunman, itinanggi niyang katulad siya ni Putin na naglulunsad ng giyerang ikinamatay ng mga inosente. Siya mismo ang nagsabing “pumapatay talaga” siya “noon pa.” Pero ang pinapatay daw niya ay ang mga kriminal, hindi mga bata o matatanda. Nakapangingilabot at nakapanlulumong isiping kaya ni Pangulong Duterte na ipagmalaking nakapatay na siya at para bang walang mali rito. Katwiran niya, mga kriminal naman daw ang pinatay niya. Sabat naman ng kanyang mga masugid na tagasuporta, tama lang ito, lalo na kung mga salot sa lipunan, katulad ng mga lulong sa droga, ang dinidispatsa.

Isa sa mga itinuturing ng administrasyon na tagumpay nito sa anim na taóng termino ni Pangulong Duterte ay ang “war on drugs” at mananatili itong legacy, ‘ika nga, ng sikat na mayor mula sa Davao. Mas tumahimik na raw ang mga komunidad. Nabawasan na raw ang mga adik na gumagawa ng krimen. Dumami ang mga barangay na sinasabing drug-free. Ganito rin ba ang inyong paniniwala?

Para kay Pangulong Duterte at sa mga umiidolo sa kanya, ang buhay ng mahigit anim na libong “drug personalities” na napatay sa mga operasyon ng pulis ay maliit na sakripisyo para sa kapayapaan at kaligtasang tinatamasa raw natin ngayon. Ang mga napatay ng mga vigilante, na sinasabing mas marami kaysa sa mga namatay sa kamay ng awtoridad, ay hindi raw dapat isinisisi sa gobyerno. Ang mga menor de edad na napatay, target man sila o nadamay lamang, ay mga collateral damage o pinsalang hindi maiiwasan sa isang giyerang magsasalba raw sa kinabukasan ng ating kabataan. Nakakaawa man daw ang mga naulilang asawa, anak, at magulang ng mga biktima ng pulis o vigilante, pero ito raw ang kapalarang hindi nila maiiwasan.

Sa 1 Pedro 4:10, pinaaalalahanan ang “mabubuting katiwala” na gamitin ang iba’t ibang kaloob sa kanila ng Diyos sa kapakinabangan ng lahat. Ang mga pinuno ng bayang inihahalal ng mga mamamayan ay nabigyan ng natatanging pagkakataong maging katiwala at maglingkod sa lahat. Sa sandaling maupo na sila sa puwesto, dapat nilang gamitin ang kanilang kakayahan upang maging mabuting tagapangasiwa ng gobyerno. Ngunit kung ang pamamahala nila ay nakabatay sa kung ano lamang ang gusto nila, tiyak na may mga maiiwanan, maaabuso, at maaapakan. Kung wala silang problema sa pagpatay sa mga tao at sa pagbalewala sa tamang proseso ng batas, masasabi ba nating nakakasama ang lahat sa bunga ng sinasabi nilang kapayapaan at kaayusan? Gaya pa ipinahihiwatig ni Pope Francis sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, kung lantaran ang pangungutya sa pagtataguyod ng kung ano ang mabuti at tama at kung walang pagpapahalaga sa buhay ang isang lipunan, ang maipapasa sa mga susunod na henerasyon ay karahasan, kawalang-pakialam, at makasariling pamumuhay.

Mga Kapanalig, aalis si Pangulong Duterte na may dugo sa kanyang mga kamay. Sa kabila nito, maaaring mas marami ang papalakpakan ang pamana niyang “war on drugs” at magbibingi-bingihan sa pagtangis ng mga naulila ng mga isinakripisyo sa ngalan ng anila’y kapayapaan at kaayusan. Naniniwala tayong darating ang panahong huhusgahan ng kasaysayan ang administrasyong Duterte, hindi sa kung paano nito kinalinga ang mahihirap at mahihina kundi sa kung paano nito pinalaganap ang kultura ng pagpatay.

Suminyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 1,783 total views

 1,783 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 7,756 total views

 7,756 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 13,511 total views

 13,511 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 20,774 total views

 20,774 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 28,759 total views

 28,759 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 1,784 total views

 1,784 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 7,757 total views

 7,757 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 13,512 total views

 13,512 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 20,775 total views

 20,775 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 28,760 total views

 28,760 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,131 total views

 35,131 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,135 total views

 47,135 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,177 total views

 55,177 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,734 total views

 46,734 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,159 total views

 45,159 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,945 total views

 46,945 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,870 total views

 43,870 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,184 total views

 58,184 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,874 total views

 61,874 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,477 total views

 60,477 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top