Mamamayan, hinikayat ni Cardinal Advincula na tularan ang birheng Maria

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 793 total reads

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na tularan ang Mahal na Birheng Maria na buong katapatang sumunod sa kalooban ng Panginoon.

Ayon sa cardinal mahalagang mahubog ang tao sa mga gawi ng Mahal na Ina at mamuhay sa kabanalan tungo kay Hesus.

“Hayaan nating palakihin at hubugin tayo ng ating Mahal na Ina sa pananampalataya, pag-ibig, at pag-asa upang mas matulad tayo sa kanyang anak na si Hesus,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Paalala ito ng Kardinal sa Banal na Misa ng paghahanda sa ika – 75 anibersaryong pagkatatag ng Barangay Sang Virgen sa Immaculate Conception Parish sa Las Piñas City noong June 6, 2022.

Batid ni Cardinal Advincula ang malalim na debosyon ng mga Pilipino sa Mahal na Ina kung kaya’t kinilala itong Pueblo Amante de Maria o bayang namimintuho sa Mahal na Birhen.

Sinabi ng Arsobispo ng Maynila na makikita ito sa mga isinasagawang novena, debosyon at prusisyon sa iba’t ibang dako ng bansa.

“Authentic love for Mary entails constant communion and imitation of her in her perfect discipleship of her Son. Loving her means listening to and obeying her when she says: “Do whatever he tells you,” ani ng cardinal.

Inihayag naman ni Father Christopher Tejido, Spiritual Director ng Barangay Sang Virgen Luzon Chapter na maganda ang bunga ng samahang nakatulong lumago ang pananampalataya ng mga Pilipino lalo na sa pagdarasal ng Santo Rosaryo.

“What is unique and significant sa organisasyon na ito yung mga kalalakihan lalo na ang mga tatay ang nagli-lead ng rosary kaya nga yung mga kaparian na produkto ng ganitong henerasyon everytime makikita ang image (Barangay Sang Virgen) sinasabi na dito ako natuto magdasal ng rosaryo,” paghayag ni Fr. Tejido sa panayam ng Radio Veritas.

Aminado ang pari na sa pamamagitan ng debosyon sa Birhen ng Barangay nahubog ang kanyang bokasyon sa pagpapari.

Ibinahagi ni Fr. Tejido na nakatulong din ang grupo sa paglago ng pananampalataya makalipas ang limang sentenaryo ng kristiyanismo sa bansa.

Inilarawan ng pari ang kasuotan ng Mahal na Birhen ng Barangay kung saan ang nakatapis ng kulay pula at ginto na sagisag ng watawat ng Spain na pinagmumulan ng kristiyanismo.

“Nagpapatuloy ang ipinunlang pananampalataya ng mga Espanyol sa pamamagitan ng pagdadasal ng Santo Rosaryo at binibigyang pagpapahalaga ang pagpatatag ng pamilya,” giit ni Fr. Tejido.
Ayon sa kasaysayan naitatag ang Barangay Sang Virgen noong 1949 makaraang gumaling sa karamdaman si Antonio Gaston, dating alkalde ng Silay Negros Occidental.

Mayo 1, 1955 nang kilalanin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity ang grupo na pangunahing layunin ang ituro ang doktrina ng simbahan, palaganapin ang debosyon ng Mahal na Ina lalo na sa pagdarasal ng Santo Rosaryo at palalimin ang pananampalatayang kristiyano sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 98,286 total reads

 98,286 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 236,684 total reads

 236,684 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 352,461 total reads

 352,461 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 469,108 total reads

 469,108 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top