Mamamayan, pinag-iingat ng PHILVOCS sa muling pagsabog ng Bulusan Volcano

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 863 total reads

Pinaalalahanan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mamamayan ng Sorsogon sa kalagayan ng bulkang Bulusan.

Ayon kay PHIVOLCS Director at Science Undersecretary Renato Solidum, Jr., dahil nakataas sa Alert level 1 ang bulkang Bulusan ay anumang oras ay maaari ito muling sumabog at maglabas ng makapal na usok at abo katulad ng naganap noong Linggo (Hunyo 5).

“Kapag nasa Alert level 1 ang Bulusan volcano, ang ibig sabihin pwede pang maulit ang pagsabog. Ang kailangang gawin ng mga kababayan natin ay talagang strictly implement ‘yung pagbawal na pumunta sa 4-kilometer permanent danger zone sa paligid ng bulkan,” pahayag ni Solidum sa panayam sa Veritas Pilipinas.

Binalaan din ni Solidum ang mga naninirahan sa gilid ng mga ilog sa posibilidad ng pagtaas ng tubig na may halong abo at magdulot ng lahar.

Ipinapayo din ng opisyal ang pagsusuot ng pananggalang tulad ng N95 face masks upang maiwasan na malanghap ang abo lalo na kapag nasa labas ng mga tahanan.

Sa huling ulat ng PHIVOLCS, naitala sa loob ng 24 na oras ang pitong volcanic earthquakes sa paligid ng Bulusan volcano.

Magugunita nitong Linggo nang magkaroon ng phreatic eruption sa bulkang Bulusan bandang 10:37 ng umaga.

Umaapela naman ng tulong ang Diyosesis ng Sorsogon para sa pangangailangan ng mga apektadong residente.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 96,613 total reads

 96,613 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 235,036 total reads

 235,036 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 350,813 total reads

 350,813 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 467,580 total reads

 467,580 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 243,092 total reads

 243,092 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top