VeritasPH

The Word, The Truth

Ecological conversion pagkatapos ng eleksyon

SHARE THE TRUTH

 252 total views

Mga Kapanalig, isa sa laging ‘di kaaya-ayang dulot ng anumang eleksyon ay ang napakaraming mga tarpaulin na ginamit sa pangangampanya. Pagkatapos ng eleksyon, babaklasin at itinatapon lamang ang mga ito at daan-daang taon ang aabutin bago mabulok. Nakiusap ang kalihim ng Department of the Interior and Local Government sa mga kandidato at mga lokal na opsiyal na magsagawa ng paglilinis pagkatapos ng eleksyon. Sikapin din daw nilang i-recycle, imbis na itapon, ang napakaraming mga tarpaulin. Noong eleksyon ng 2019, mahigit sa 168 tonelada ng mga campaign materials ang nakolekta.

Alam nating lahat ang pinsalang nagagawa sa ating kapaligiran ng pagbabasura ng anumang materyales na gawa sa plastik na hindi nabubulok at nakalalason pa sa lupa. Mas nakapipinsala pa ang mga ito kapag nababarahan nila ang mga daluyan ng tubig-ulan at napapadpad sa mga ilog at karagatan at maaaring pumatay sa mga hayop doon. Habang patuloy ang ganitong gawain tuwing eleksyon, padagdag nang padagdag ang lasong iniiwan ng mga ganitong uri ng basura sa ating mga lupain at karagatan. Malinaw na patunay ito na ang mga gawain ng mga tao ang nagdudulot ng pagkasira ng ating mundo.

Bagamat nakatutulong ang pagre-recycle ng mga tarpaulin, kakaunti lamang ang gumagawa nito. Hindi kaya panahon na upang tuluyan nang ipagbawal ang paggamit ng mga materyales na gawa sa plastik sa mga kampanya sa hinaharap? Sa kabila ng tuluy-tuloy na pagkasira ng ating kapaligiran, hindi ito gaanong napag-uusapan o tinatalakay sa kampanya ng mga kandidato. Bihira ang mga kandidatong nagbanggit man lamang ng plataporma ukol sa pagbabawas ng paggamit ng plastik.

Hindi kaya panahon na ring seryosohin ang pagbabawas ng paggamit ng plastik sa ating mga binibili at ginagamit? Nagsimula na tayo noon sa pagbabawal sa paggamit ng mga plastik na shopping bags. Pero ngayon, tila bumabalik na naman ang masamang ugaling ito. Imbis na lalo nating pinalalaganap ang pagtigil sa paggamit ng mga plastik na minsan lang gamitin ay tila nagiging mas maluwag pa tayo sa ating mga sarili.

Sa mga susunod na halalan, maaari kayang ipagbawal na ang paggamit ng mga tarpaulin at humanap ng ibang paraan upang ipakilala ang mga kandidato? Ang krisis sa klima at ang pagkasira ng kapaligiran ay hindi maliliit na bagay. Bawat araw na ating ipinagpapaliban ang pag-aksyon upang mabawasan ang pagkasirang ito, lalong humihirap ang pagbibigay-lunas sa problemang palaki nang palaki.

Malinaw ang wika sa Genesis 2:15: “Kinuha ng Diyos ang lalaki at inilagay sa halamanan ng Eden upang ito ay kanyang bungkalin at ingatan.” Mahirap na gawain ang mangalaga at ingatan ang kalikasan, lalo na kapag ito ay napinsala na nang napakahabang panahon. Sa kanyang ensiklikal na Laudato Si’, lalo pang binibigyang-diin ni Pope Francis na sapagkat ang mundo ay tahanang ating pinagsasaluhan, kailangang sama-sama rin tayo sa pangangalaga nito. Ngunit upang magawa natin ito, kailangan natin ng tinatawag na “ecological conversion” o pagbabalik-loob sa nilalayon ng Diyos na relasyon natin sa ating mundo at sa ating kapwa, lalo na sa mga mahihirap na pinakanaaapektuhan ng pagkasira ng mundo. Ang ating relasyon sa mundo at sa kapwa ay parehong nag-uugat sa relasyon natin kay Hesus. At hindi sapat na ang pagbabalik-loob na ito ay bilang mga indibidwal lamang kundi bilang isang komunidad.

Mga Kapanalig, ito ang nasaksihan natin sa nagdaang eleksyon. Kailangang buong mga komunidad at, sa katunayan, buong bansa ang sama-samang hihinto sa paggamit ng mga mapanirang plastik sa kampanya at sa maraming bagay na ating binibili at ginagamit.  Kailangang kaisa natin dito ang mga namumuno sa atin. Kailangan ang tunay na pagbabalik-loob sa layunin ng Panginoon sa kanyang paglikha sa atin at sa mundo, at ang ating pagtalima sa kalooban Niya.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 4,050 total views

 4,050 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 20,036 total views

 20,036 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 28,081 total views

 28,081 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 33,161 total views

 33,161 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 38,867 total views

 38,867 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 4,051 total views

 4,051 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 20,037 total views

 20,037 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 28,082 total views

 28,082 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 33,162 total views

 33,162 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 38,868 total views

 38,868 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,360 total views

 44,360 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,285 total views

 41,285 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,599 total views

 55,599 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,289 total views

 59,289 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,892 total views

 57,892 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,879 total views

 67,879 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,847 total views

 71,847 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,734 total views

 82,734 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,173 total views

 95,173 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,931 total views

 105,931 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top