ECQ, hindi hadlang kay Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 628 total reads

Hindi naging hadlang sa bagong arsobispo ng Maynila ang umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) upang ipagtuloy ang paglilingkod sa kawan bilang pastol sa higit tatlong milyong katoliko sa Archdiocese of Manila.

Ayon kay Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, bagama’t mas epektibo ang pakikipag-ugnayan sa bawat pari at mga mananampalataya ay kinakailangan munang gumawa ng paraan para ipagpatuloy ang mga gawain nang hindi na kailangan magtipon-tipon.

‘Nitong nakalipas na araw marami ang kinancel na face to face na celebration ng misa, alang-alang sa mga tao at sa akin din. So, ang ginawa ko sa mga araw na ito ay nakipag zoom meeting ako sa ating mga pari upang kahit paano malaman ko ang sitwasyon nila at ating mga parishes,” ayon kay Cardinal Advincula sa programang Pastoral visit on-the-air.

Isinasagawa ni Cardinal Advincula ang pakikipag-ugnayan sa higit 600 mga pari sa pamamagitan ng virtual meeting, habang nililibot ang mga parokya na may kabuuang 90 nang hindi bumababa sa kaniyang sasakyan.


‘I feel uneasy having that kind of meeting. Mas preferred ko ang face to face pero wala tayog magawa kailangan na mag-ingat tayo sa ating sarili. Halimbawa baka ako rin ang ‘carrier ng virus kasi hindi natin alam, hindi natin nakikita ang ating kalaban. Kaya kailangan natin magtulungan upang hindi natin ma-spread ang ‘invisible enemy’ natin ngayon,’ ayon kay Cardinal Advincula.

Ayon sa 69 na taong gulang na Cardinal, hindi matitiyak ng bawat isa kung sino ang maaring ‘carrier’ ng ‘virus’ kaya’t mas mabuti na ang nag-iingat para sa kabutihan ng kanyang kapwa.

Ibinahagi ni Cardinal Advincula na sa loob ng dalawang buwan ay nakapulong na niya ang 10 sa 13 vicariates ng Manila at nakatakda ring pulungin ang archdiocesan commissions sa mga susunod na araw.

Hunyo ng kasalukuyang taon nang pormal na iluklok bilang ika-33 arsobispo ng Maynila bilang kahalili ng kanyang kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle.

Si Cardinal Advincula ay mula sa Archdiocese ng Capiz na kasalukuyang ngayong sede vacante at nasa ilalim ng pangangasiwa ni Msgr. Cyril Villareal na inihalal ng college of consultors ng Capiz.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 237 total reads

 237 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 38,728 total reads

 38,728 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 265,000 total reads

 265,000 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 158,465 total reads

 158,465 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 252,483 total reads

 252,483 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top