Sabado nights vaccination, inilunsad ng Diocese of San Pablo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 883 total reads

Kaisa ang Diyosesis ng San Pablo, Laguna sa pakikipagtulungan at pagsuporta sa vaccination program ng pamahalaan upang masugpo at malunasan ang umiiral na coronavirus pandemic sa bansa.

Ayon kay Monsignor Jerry Bitoon, rektor at kura paroko ng Cathedral Parish of Saint Paul the First Hermit, inilunsad ng Diyosesis ang ‘Sabado Nights’ program na layong makatulong sa pamahalaang lungsod ng San Pablo sa mabilis na pamamahagi ng mga COVID-19 vaccines sa mamamayan lalu sa mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) at mga senior citizens.

Tinagurian itong ‘Sabado Nights’ sapagkat isinasagawa ang pagbabakuna tuwing Sabado at nagsisimula sa hapon hanggang gabi sa patio ng Katedral.

“Sabado Nights is a vaccination para sa mga APOR. So every Saturday, meron kaming vaccination sa aming patio ng Cathedral kasi malaki… Mayroong ina-assign sa amin na 500 slots. Kaya tinawag siyang Sabado nights dahil ginagawa from late afternoon hanggang gabi,” pahayag ni Msgr. Bitoon sa panayam ng Radio Veritas.

Ibinahagi ni Msgr. Bitoon na nasa humigit-kumulang 3,000 indibidwal na ang nabigyan ng COVID-19 vaccines sa pamamagitan ng programa ng Diyosesis katuwang ang lokal na pamahalaan.


Sinabi rin ng pari na sa kasalukuyan, ang Katedral pa lamang ang nagsasagawa ng ganitong programa sa Diyosesis sapagkat ang ibang parokya ay walang malawak na lugar na mayroong maayos na daluyan ng hangin na kailangan para sa mas ligtas na pamamahagi ng bakuna sa publiko.

“Sa ibang parokya kasi wala silang ganung kalaki na patio. Kasi ang kailangan talaga ay malawak… ‘yung al fresco, ‘yun bang hindi naka-enclosed. So that’s why, so far, ang Katedral ng San Pablo ang may ganitong Sabado Nights,” saad ni Msgr. Bitoon.

Batay sa huling tala, nasa mahigit 26-milyong indibidwal na ang nabakunahan ng COVID-19 vaccine sa bansa, kung saan higit sa 14-milyon rito ay natanggap na ang unang dose ng bakuna habang nasa higit 12-milyon naman o 17-porsyento ng populasyon ng bansa ang nakatanggap na ng ikalawang dose

Patuloy naman ang panagawan ng simbahan sa mamamayan na magpabakuna laban sa COVID-19 upang mabigyan ng karagdagang kaligtasan lalo na sa pinangangambahang epekto ng Delta variant.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 37,692 total reads

 37,692 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 264,034 total reads

 264,034 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 157,501 total reads

 157,501 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 251,532 total reads

 251,532 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 293,975 total reads

 293,975 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 150,190 total reads

 150,190 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top