“1GODLY Vote”, ilulunsad ng Archdiocese of Manila Commission on Social Communication

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,104 total reads

Ang Diyos ay bahagi ng ating buhay.

Marapat lamang na dalhin ang Diyos sa lahat ng larangan at bawat gawain ng tao.

Ito ang misyon ng itinatag na programa ng Archdiocese of Manila Commission on Social Communication na binubuo ng Radyo Veritas846, TV Maria at Archdiocesan Office of Communications na “1GODLY VOTE” na nakatakdang ilunsad sa ika-31 ng Agosto 2021.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Permanent Committee on Public Affairs, parish Priest ng Nuestra Senora del Perpetuo, Radio Veritas Priest anchor at Radio Veritas News consultant ang “1GODLY VOTE” “is an election campaign that centers on God as the ultimate standard for choosing our next leaders.”

Iginiit ni Fr. Secillano na ngayon na ang tamang panahon na muli nating gawing batayan ang Diyos sa ating mga pagpapasya kasama na ang pagluluklok natin sa mga politikong nagnanais kumandidato sa nalalapit na 2022 National Elections.


Sinabi ng pari na nararapat na maging ‘conscious’ ang taumbayan sa kanilang mga ginagawa kung saan hindi dapat i-disassociate ang Panginoon sa ibat-ibang usapin lalut ginugunita ng Pilipinas ang 500 Years of Christianity.

Inihayag ni Fr. Secillano na layunin ng “1GODLY VOTE” ang paghalal ng mga kandidatong maka-Diyos at may hangaring solusyonan ang mga suliranin ng bansa sa maka-Diyos at makataong pamamaraan batay sa Social Doctrines ng Simbahan.

Ipinaliwanag ng opisyal ng CBCP na ang pagkilatis at pagpili sa mga kandidato gamit ang turo ng Diyos at ng simbahan ay nangangaluhugan ding hindi kailanman ipagpapalit ng isang botante ang kanyang sagradong boto sa pera, pakikisama, at maling plataporma.

Lahad pa ng pari, hindi ito pakiki-alam ng Simbahan sa politika.

“1 Godly Vote” is evangelization of politics. Even the Pope recognizes the good that politics brings to the service of humanity. But if politics becomes merely a promotion of personal and family interests, then we need to re-direct it to its original mission, that of serving the needs of the people.” paglilinaw ng opisyal ng CBCP

Umaasa ang pari na sa pamamagitan ng ilulunsad na “1GODLY VOTE” ay seryosong tatanggapin ng taumbayan ang mga panuntunang subok na pumapanig sa karapatan ng bawat isa at nagsusulong sa kahalagahan ng lahat lalung-lalo na ng mga dukha at malliit sa ating lipunan.

“The Catholic Social Teachings that serve as the pillar of this program guarrantee that the church is really about people and the good that they deserve to receive.Hihimay-himayin ng 1Godly Vote ang mga isyu at polisiya sa ibat-ibang larangan ng ating buhay. Halimbawa na lamang ang polisiya sa edukasyon, unemployment at OFWs, human rights, poverty alleviation program, at iba pa. Mahalagang malaman ang paninindigan ng mga kandidato ukol sa mga nabanggit na isyu at siguraduhin natin na ang kanilang paninindigan ay para nga sa ikabubuti ng mamamayan at bayan” giit pa ni Fr. Secillano.

Nilinaw ng pari na hindi sinasabi ng Simbahan na mayroon itong monopoly of good ideas at best practices.

“Hindi namin sinasabi bilang simbahan that we have the monopoly of good ideas, best practices, ultimate solutions to everything that ills our country. Ang nais lang sana namin ay mapakinggan din ang mga turo ng simbahan na hitik sa mga prinsipyo at pamamaraan upang mapa-unlad din ang ating bayan. Ika nga ni Jurge Habermas, isang atheist at tinaguriang isa sa pinaka-maimpluwensang Pilosopo sa buong mundo, “The Chuch has a lot to contribute in the public sphere.” Ibig sabihin, hindi lang politiko ang maaaring makapagbigay lunas o solusyon sa mga suliranin natin. Meron ding puwedeng ibigay ang simbahan” paglalahad pa ng pari.

Ang “1GODLY VOTE” ay ilulunsad ng Radyo Veritas sa pamamagitan ng live online press conference sa ika-31 ng Agosto, 2021.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 16,913 total reads

 16,913 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 17,738 total reads

 17,738 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 34,568 total reads

 34,568 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 71,945 total reads

 71,945 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 103,214 total reads

 103,214 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 178,268 total reads

 178,268 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 270,798 total reads

 270,798 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top