EDSA PEOPLE POWER NANATILING UNFINISHED REVOLUTION

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 270,288 total reads

Sa ika-25 ng Pebrero, ipagdiriwang natin ang hindi pangkaraniwang political event na naganap sa bansa., ang ika-40 taong anibersaryo ng EDSA PEOPLE POWER revolution.

Ito ang EDSA People Power revolution, kauna-unahang bloodless revolution sa kasaysayan ng buong mundo. Tinapos ng EDSA People Power ang diktaduryang pamumuno ng dating pangulong Ferdinand Marcos sa Pilipinas sa loob ng mahigit dalawang dekada. Ang natatanging “bloodless revolution” ay naging inspirasyon sa iba’t-ibang bansa para i-empower o ibigay sa mamamayan ang kapangyarihan upang alisin sa kapangyarihan ang isang tyrannical ruler.

Ang apat na araw na mapayapang rebolusyon ng mahigit isang milyong Pilipino sa kahabaan ng EDSA ay nagwakas sa 21-taong Marcos dictatorship… naging global symbol ng demokrasya at naging dahilan upang mabuo at maratipikahan ng mga Pilipino ang 1987 Philippine Constitution.

Kapag pinag-uusapan ang EDSA people power revolution., naging matingkad at pinaka-crucial na papel ang ginampanang papel ng Radyo Veritas 846-Ang Radyo ng Simbahan sa naging tagumpay ng mapayapang rebolusyon. February 22, 1986, nanawagan sa Radyo Veritas ang dating Manila archbishop Jaime Cardinal Sin sa mga Pilipino na pumunta sa EDSA upang suportahan sina dating pangulong Fidel Ramos at Senador Juan Ponce Enrile na tumiwalag ng suporta sa dating pangulong Marcos. Dahil sa panawagan ni Cardinal Sin sa Radyo Veritas, milyong Pilipino ang sumugod sa EDSA na kinabibilangan ng mga Pari at madre, hinarap ang mga sundalong may matataas na kalibre ng armas, mga tangke ng pandigma gamit lamang ang mga bulaklak at rosaryo. Napatalsik ang diktaduryang Marcos dahil sa Panginoon.

Gayunman Kapanalig, makalipas ang 40-taon…, hindi pa rin natatapos ang EDSA people power revolution. Ang tunay na diwa ng bloodless revolution ay unti-unting nawawalan ng kinang, ang shining moment ng mapayapang pagkilos ng milyun-milyong Pilipino ay nakakalimutan na., hindi na pinapahalagahan.., Ika nga, ang peaceful revolution ay history na lamang., naka-archive na lamang sa puso at isipan ng mga nabubuhay pang Pilipino. Sa mga bagong henerasyon sa kasalukuyan.., Ang EDSA people power ay wala ng halaga., isinasantabi na lamang. Sa nakalipas na administrasyong Duterte at kasalukyang administrasyon ni PBBM., hindi idinideklarang holiday ang EDSA people power revolution.

Bakit unfinished revolution ang EDSA People Power? Kapanalig, karamihan sa ating mga Pilipino lalu na ang mga lider ng bansa ay balik na naman sa makasariling gawi. Lalong lumaganap o naging endemic na sa kasalukuyan ang katiwalian, korapsyon sa pamahalaan at maging sa pribadong sektor. Nanatiling mahirap ang mayorya ng mga Pilipino., lalong naging malaki ang agwat ng mayayaman sa mga mahihirap. Nanatiling bigo., hindi pa rin nakakamit ng mga Pilipino ang magandang bunga ng mapayapang rebolusyon.

Bakit hindi pa tapos ang EDSA people power revolution makalipas ang 40-taon? Dahil walang “revolution of heart”. Kailangan nating mga Pilipino ang “revolution of heart” upang matamasa ang diwa ng EDSA bloodless revolution.

Ang payo ng mga lider ng simbahang katolika sa Pilipinas…, nararapat nangingibabaw o nananaig sa ating mga puso lalu na sa mga lider ng bansa na “God and country first before me and my family”. Nagtagumpay ang EDSA dahil sa Panginoon., ang nakakalungkot., God is set aside. Sana Kapanalig, sa paggunita ng EDSA @40., maging sentro ng selebrasyon ang Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 56,076 total reads

 56,076 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 135,402 total reads

 135,402 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 168,847 total reads

 168,847 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 204,145 total reads

 204,145 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 428,422 total reads

 428,422 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 56,077 total reads

 56,077 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 135,403 total reads

 135,403 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 168,848 total reads

 168,848 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 204,146 total reads

 204,146 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top