Mananampalataya, hinimok na makiisa sa paglalakbay ng panginoon ngayong Kuwaresma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,634 total reads

Inaanyayahan ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na makiisa sa paglalakbay ng Panginoon ngayong Kwaresma sa pamamagitan ng pag-aayuno, penitensya, at malasakit sa kapwa.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Lucena Bishop Mel Rey Uy – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Ecumenical Affairs, kaugnay ng paggunita ng Ash Wednesday ngayong ika-18 ng Pebrero, 2026 na hudyat ng pagsisimula ng panahon ng Kwaresma.
Ayon sa Obispo, sa pagsisimula ng panahon ng Kwaresma ay hinikayat ang lahat na gawing makahulugan ang pagtanggap ng abo sa noo bilang tanda ng pakikiisa sa paghihirap ng Panginoong Hesukristo.

“Sa pagsimula natin itong panahon ng Kwaresma, as we start with the Ash Wednesday, in putting ashes on our forehead, I invite you to journey with our Lord in His suffering through fasting and penance.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Uy sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin din ni Bishop Uy na ang pag-aayuno ay hindi lamang personal na sakripisyo kundi isang konkretong paraan ng pagtulong sa mga nangangailangan, lalo na sa pamamagitan ng Alay Kapwa campaign ngayong Kwaresma.
Pagbabahagi ng Obispo, mas magiging makabuluhan din ang pag-aayuno kung tutulong ang bawat isa sa mga kapus-palad ngayong Kwaresma lalo na sa pamamagitan ng pag-aalay ng abstinence tuwing Biyernes bilang tulong sa mga nagugutom sa pamamagitan ng Fast to Feed program ng Pondo ng Pinoy.

“Yung ating mga pagpa-fasting ay para makatulong tayo sa mga kapus-palad nating mga kapatid to the Alay Kapwa campaign during this Lenten season. And also for our fasting during Fridays, our abstinence during Fridays. We can have it as help also for those people who need food through the Fast to Feed program of the Pondo ng Pinoy.” Paanyaya pa ni Bishop Uy.
Paliwanag ni Bishop Uy, ang ganitong mga gawain ay konkretong pagpapakita ng pakikiisa kay Kristo at pagmamalasakit sa mga nasa laylayan ng lipunan.
Ipinapanalangin naman ng Obispo na nawa ay ang panahon ng Kwaresma ay maging tunay na biyaya para sa lahat.

“So, I hope that we join our Lord in His suffering by helping our brothers and sisters who are in need of assistance and also in need of food especially those in the periphery.” Ayon pa kay Bishop Uy.

Ang Ash Wednesday ang nagsisilbing hudyat sa pagsisimula ng panahon ng Kwaresma kung saan tuwinang pinaalalahanan ng Simbahan ang sambayanan na ang Kwaresma ay hindi lamang panahon ng pagsisisi, kundi ng aktibong pagpapamalas ng pag-ibig at pagkalinga sa kapwa na isang paraan ng pakikipaglakbay sa Panginoon ng pananampalataya na may mukha ng awa at malasakit sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 58,610 total reads

 58,610 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 137,753 total reads

 137,753 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 171,198 total reads

 171,198 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 206,496 total reads

 206,496 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 430,644 total reads

 430,644 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top