Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 84,848 total views

Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd).

Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko mismo ng Malacañang, opisyal na iiwan ni VP Sara ang gabinete ni PBBM sa July 19. Tinanggap naman ito ng presidente. Walang binanggit sa sulat na dahilan sa likod ng resignation ni VP Sara. Pero sa isang press conference, sinabi ni VP Sara na ang kanyang desisyong magbitiw ay hindi dahil sa anumang “weakness” o kahinaan. “Out of genuine concern” o mula sa tunay na pag-aalala daw sa mga guro at kabataang Pilipino ang nagtulak sa kanyang umalis na sa pagiging kalihim ng DepEd.

May mga grupong ikinatuwa ang pag-alis ni VP Sara sa DepEd. Tila malaking bigat sa dibdib ang nawala daw sa mga kasapi ng Bacolod Public Schools Teachers’ Federation. Para sa grupong ito ng mga public school teachers sa Bacolod at Negros Occidental, “unfit” o hindi nababagay na kalihim ng DepEd ang bise presidente. Marami raw siyang “inconsistencies” o mga ginawang pabagu-bago o magkakasalungat. Para naman daw nabunutan ng tinik ang mga guro at ang buong sektor ng edukasyon sa pagre-resign ni VP Sara. Ayon iyan sa grupong Alliance of Concerned Teachers. Kaya naman, maging oportunidad sana ang pagre-resign ni VP Sara upang magkaroon ng pagbabago sa nakapakritikal na ahensya ng ating gobyerno. 

Bakit kritikal? Ang DepEd ang nakatutok sa tinatawag na basic education sa ating bansa. Pangunahing gawain ng kagawaran ang pag-aayos ng curriculum—na tinatawag nga nating K-12—at ang paglalatag ng mga standards o pamantayang susundin ng mga guro sa kanilang pagtuturo. Ito rin ang bumubuo ng mga educational materials at nagtitiyak na dekalidad ang pagtuturo sa mga pampubliko at pribadong paaralan. Ang ahensya rin ang isa sa may pinakamalaking badyet na natatanggap para tiyaking sapat ang mga pasilidad sa mga paaralan, kumpleto ang mga libro, at mahuhusay ang mga nagtuturo sa ating mga estudyante. Sa madaling salita, ang kinabukasan ng ating kabataan ang nakataya sa trabaho ng DepEd.

Kaya naman, gaya ng sinabi ng grupong Teachers’ Dignity Coalition, ang kailangan ng DepEd ay isang kalihim na may karanasan sa pagtuturo at may pusong tunay na sa isang guro—“whose heart is truly a teacher’s.” Isang educator, isang guro, ang dapat na namumuno sa DepEd. Ayon naman sa grupong Out of the Box Media Literacy Initiative, makatutulong din kung ang kalihim ng kagawaran ay nakatutok lamang sa sektor ng edukasyon. Hindi sana nahahati ang kanyang panahon at atensyon sa pulitika, lalo na’t humaharap nga tayo sa krisis sa edukasyon. Lagi na siguro nating naririnig ang mga balita tungkol sa pangungulelat ng mga estudyanteng Pilipino sa math, science, at reading

Sa Pacem in Terris, isang Catholic social teaching, kasama sa mga karapatang pinahahalagahan ng Santa Iglesia ang “right to basic education.” Ang basic education—mula elementary hanggang high school—ay ang pangunahing tuon ng DepEd, kaya’t malaki ang responsibilidad ng kagawaran sa pagkamit ng kabataan sa karapatang ito. Ang kawalan ng tao ng edukasyon, saad naman sa Populorum Progressio, ay kasimbaba ng kawalan niya ng pagkain. Tungkulin ng DepEd na walang batang gutom sa maayos na edukasyon, kaya mahalagang nasa puso ng nangangasiwa nito ang pagpapalago ng sektor.

Mga Kapanalig, “higit na mainam sa ginto ang magkaroon ng karunungan,” paalala ng Mga Kawikaan 16:16. Ang karunungan ay mula sa edukasyon kaya’t ang namumuno sa ahensyang naghahatid nito ay dapat na batid ang katotohanang ito.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 23,211 total views

 23,211 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 30,692 total views

 30,692 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 43,832 total views

 43,832 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 49,805 total views

 49,805 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 55,558 total views

 55,558 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 23,212 total views

 23,212 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 30,693 total views

 30,693 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 43,833 total views

 43,833 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 49,806 total views

 49,806 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 55,559 total views

 55,559 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 41,792 total views

 41,792 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 42,876 total views

 42,876 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 38,257 total views

 38,257 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 50,261 total views

 50,261 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 58,303 total views

 58,303 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 49,860 total views

 49,860 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 48,285 total views

 48,285 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 50,071 total views

 50,071 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 46,996 total views

 46,996 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 61,310 total views

 61,310 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top