Pagpapanibago ng puso ng mga taong nagsusulong ng digmaan, panalangin ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,047 total reads

Hiniling ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Kamahal-mahalang Puso ni Hesus ang pagpapanibago ng puso ng mga taong patuloy na nagsusulong ng digmaan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Ito ang bahagi ng panalangin ng santo papa sa lingguhang general audience sa Vatican sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo na tinaguriang Sacred Heart of Jesus Month.

Ayon kay Pope Francis nawa tulad ng puso ni Hesus ay itataguyod ng sangkatauhan lalo na ng lider ng mga bansa ang pakikipagdayalogo at pakikipagkapatiran tungo sa pagkakamit ng kapayapaan sa sanlibutan.

“On this last day of June, let us implore the Sacred Heart of Jesus to touch the hearts of those who want war, so that they may be converted to projects of dialogue and peace,” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.

Kabilang sa tinuran ng santo papa ang nagpapatuloy na karasahan sa Ukraine dahil sa pananakop ng Russia, sa Palestina, Israel, Myanmar at sa iba pang lugar lalo na sa Middle East.

Muling binigyang diin ni Pope Francis na walang maidudulot na kabutihan ang digmaan kundi pagkasira at pagkakahati-hati ng pamayanan.

Sa pag-aaral ng Global Peace Index mula ika – 21 siglo, digmaan ang pinakanangungunang sumisira sa buhay ng mamamayan tulad sa Ukraine na kumitil na ng humigit kumulang 83-libong indbidwal.

Bukod pa rito ang 13 porsyentong pagkalugi sa global Gross Domestic Product na nagdudulot ng higit na kahirapan at kagutuman sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Patuloy ang panawagan ni Pope Francis sa international leaders na magkaisang tugunan ang mga krisis na kinakaharap ng mga bansang may digmaan at isulong ang dayalogo tungo sa pagkakasundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 51,839 total reads

 51,839 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 101,268 total reads

 101,268 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 149,139 total reads

 149,139 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 253,087 total reads

 253,087 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 336,628 total reads

 336,628 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top