Edukasyon at Nasyonalismo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,307 total views

Kapanalig, ang edukasyon ay susi hindi lamang sa mas masigla at inklusibong ekonomiya ng ating bansa, kundi sa mas maalab na pagmamahal sa bayan. Kung updated ka sa balita ngayon, malamang nakita mo na ang mga videong kumakalat kung saan hindi alam ng ilang mga kabataang mapapanood sa isang sikat na programa ang mga basic information ng ating kasaysayan gaya ng kung sino ang GOMBURZA, o kung ano ang summer capital ng ating bansa.

Sa mga ganitong pagkakataon, kadalasan nakakatutok tayo sa estudyante, o sa mga taong nagpapakita ng kakulangan sa kaalaman. Pinagtatawanan natin ang mga sumasagot ng mali, pero di natin nakikita kung sino ang nagturo ng mali o saan galing ang maling impormasyon. Ang GOMBURZA, kasama ng iba pa nating mga bayani, ay kilala dati ng mga mas nakakaraming Filipinong nagtapos ng elementarya. Noong bata din tayo, talagang tinuturo din ng maigi at ng malalim ang buhay ni Jose Rizal, kaya marami sa atin noon, alam na Pepe ang kanyang palayaw.

Kaya lamang ngayon, ibang iba na ang pagtuturo ng kasaysayan ng ating bansa. Marahil, isa ito sa mga dahilan kung bakit nag-iiba na rin ang konsepto natin ng tunay na lider at bayani. Marahil, ito rin ang dahilan ng ating kakulangan sa konsepto ng isang bayan. Isa rin kaya ito sa mga dahilan kung bakit hirap tayong ipagtanggol ang ating mga isla? Isa rin ba ito sa mga dahilan ng ating kakulangan sa nasyonalismo?

Ngayon, memorized ng maraming mga elementary students ang mga rehiyon, mga likas yaman nito,  at mga pangunahing produkto nito, pero hindi nila gaano alam ang kasaysayan nito. Oriented sa business o kalakalan ang slant ng pagtuturo, na tila nawala na ng diin o emphasis ukol sa marilag o majestic na kasaysayan at kultura hindi lamang ng ating mga rehiyon, kundi ng ating buong bansa. Kasama man sa curriculum ang kasaysayan ng bayan, pero mabilis na dinadaanan na lamang ito. Pati lyrics nga ng ating pambansang awit, maayos pa ba natuturo sa ating mga kabataan, lalo ngayong nasa distance education pa ang mga karamihan sa kanila?

Kapanalig, panahon na upang seryosohin natin ang ating kasaysayan. Bigyan nating diin ang nasyonalismo at kultura ng ating bayan. Ito ay daan upang makilala natin ang ating sarili bilang mga Filipino.

Sa Mater et Magistra, kinilala ni Pope John Paul II ang pagrespeto at pagkilala sa kultura at tradisyon ng mga developing nations. Ang hindi pagkilala nito ay banta sa kapayapaan. Dama na nga natin kapanalig, ang kalituhan at gulo na dala ng kakulangan sa national identity o pagkakilanlan. Sana mabago natin ito – huwag natin ikulong sa kadiliman ng paglimot ang ating kasaysayan bilang isang bansa. May mga leksyon at pangaral ito na maaring tumulong sa atin sa kasalukuyan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 70,243 total views

 70,243 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 113,851 total views

 113,851 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 196,671 total views

 196,671 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 208,489 total views

 208,489 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ang fourth estate

 70,245 total views

 70,244 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 113,853 total views

 113,852 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 196,673 total views

 196,672 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »
Scroll to Top