Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Edukasyon at seguridad

SHARE THE TRUTH

 466 total views

Mga Kapanalig, para kay Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte, magkaugnay ang edukasyon at seguridad ng bansa. Kaya naman, kailangan daw ng DepEd ng 150 milyon pisong confidential funds.

Ginagamit ang confidential funds sa surveillance activities o pagmamatyag ng mga ahensiya ng gobyerno upang maisakatuparan ang kanilang mandato at maisagawa ang kanilang mga programa. Katulad ng intelligence funds o ang pondong ginagamit naman ng pulisya at militar upang kumalap ng mga impormasyong may kinalaman sa seguridad ng bansa, hindi isinasapubliko ng mga ahensiyang may confidential funds kung paano nila ito ginagamit. Dahil maaari itong magamit sa katiwalian, kailangang maging mapanuri ang Kongreso kung aling mga ahensya at mga programa ang bibigyan ng confidential at intelligence funds. 

Sa panukalang badyet ng pamahalaan para sa 2024, tumaas ng tinatayang 120 milyong piso ang confidential at intelligence funds ng administrasyong Marcos Jr. Paliwanag ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, malaking bahagi ng confidential at intelligence funds ay mapupunta sa Department of Information and Communications Technology (o DICT) at Presidential Security Guard (o PSG). Gagamitin ng DICT ang pondo sa cybersecurity. Kailangan naman ng PSG ang intelligence funds upang masigurong ligtas ang pangulo sa kanyang mga biyahe sa ibang bansa. Madaling maunawaan kung saan gagamitin ng mga ahensyang may kinalaman sa isyu ng seguridad ang kanilang confidential at intelligence funds. Ngunit para sa DepEd, na ang pangunahing mandato ay tiyaking nakakamit ng mga batang Pilipino ang dekalidad at kumpletong basic education, dapat nga ba itong bigyan ng confidential funds 

Depensa ni DepEd spokesperson Michael Poa, ang confidential funds ng ahensya ay gagamitin upang pigilan ang iligal na recruitment ng mga teroristang grupo sa mga paaralan. May mga mambabatas na kumikuwestyon dito. Mas marami raw na kagyat na isyu sa sektor ng edukasyon ang kailangang tugunan at maaaring paggamitan ng pondo, katulad ng umento sa sahod ng mga guro, pagdadagdag ng mga learning materials sa mga paaralan, at pagpapaayos ng mga classrooms, lalo na ang mga nasalanta ng mga bagyo.

Sa mga panlipunang turo ng Simbahan, binibigyang-diing ang pangunahing layunin ng pamamahala ay ang paglilingkod sa taumbayan. Ipinagkakatiwala sa mga nasa pamahalaan, bilang mga lingkod-bayan, ang kaban ng bayan. Kaya naman, kailangan ang masinop at makatarungang paggamit ng ating pondo upang makamit ang kabutihang panlahat o common good. Mahalaga rin ang mga mekanismo upang pigilan at sugpuin ang katiwalaan sa pamahalaan, dahil sabi nga ni Pope Francis, ang katiwalian ay pinagbabayaran ng mahihirap. Kapag laganap ang katiwalian at hindi maayos ang mga prayoridad at paggastos sa ating pera ng mga nasa pamahalaan, napagkakaitan ang mga mamamayan, lalo na ang mahihirap, ng mga kailangan nilang serbisyo.  

Malaki ang tungkulin ng DepEd sa pagtataguyod sa kabutihan ng ating kabataan, ang isa sa pinakamahalagang yaman ng ating bansa. Ang paglalaan ng pondo para sa kanilang mga pangangailangan—pati na ang mga gurong gumagabay sa kanila—ay higit na mainam upang linangin ang kanilang mga kakayahan, kaysa mapunta ang pera sa confidential funds na hindi malinaw kung saan gagamitin at maaari pang mapunta sa kung kaninong bulsa. Higit ding mapipigilan ang mga bata sa pagsali sa mga teroristang grupo kung nakatatanggap sila ng maayos na edukasyon at kung nakikita nilang posibleng magbago ang kanilang buhay at ating lipunan dahil nakapag-aaral sila nang maayos.  

Mga Kapanalig, ayon nga sa Mga Kawikaan 22:6, “turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran.” Maipakikita ito ng pamahalaan sa mga bata kung pinahahalagahan nito ang kanilang edukasyon na gagawing posible ang mapayapang daan para makamit ang pagbabago sa lipunang kinabibilangan nila. Sa ganitong paraan, tunay ngang magkaugnay ang edukasyon at seguridad.  

Sumainyo ang katotohanan. 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 9,846 total views

 9,846 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 17,327 total views

 17,327 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 30,467 total views

 30,467 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 36,440 total views

 36,440 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 42,194 total views

 42,194 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 9,847 total views

 9,847 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 17,328 total views

 17,328 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 30,468 total views

 30,468 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 36,441 total views

 36,441 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 42,195 total views

 42,195 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 40,787 total views

 40,787 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,871 total views

 41,871 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 37,252 total views

 37,252 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 49,256 total views

 49,256 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 57,298 total views

 57,298 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,855 total views

 48,855 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 47,280 total views

 47,280 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 49,066 total views

 49,066 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,991 total views

 45,991 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 60,305 total views

 60,305 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top