Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

EJK, nagiging state sponsored killings na?

SHARE THE TRUTH

 212 total views

Ang pananahimik ng pamahalaan at hindi pagbibigay ng konkretong solusyon sa talamak na pagpatay at Extra judicial Killings sa lipunan ay maaring ituring na pagbibigay ng basbas sa mga nagaganap na karahasan.

Ayon kay Association of Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP) Vice Chairman Fr. Eduardo Apugan, nagdudulot ng maling pananaw at interpretasyon sa mamamayan ang kawalang aksyon ng pamahalaan lalu na ang pagsuporta ng Pangulong Duterte sa pagpatay sa mga sangkot sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot.

“Para sa amin, itong pagpapakitang marahas ng gobyerno ay nagkaroon siya ng programa na peace and order pero ang nakikita namin dito ay naging programa ng killings, nandiyan yung extra judicial killings, extra legal killings, vigilante killings, itong lahat ng ito ay maituturing natin na sa kawalan ng pagbibigay ng atensyon dito ay nagiging state sponsored killings, in fact yung extra judicial killings ang pananahimik ng gobyerno tungkol dito at walang pagbibigay ng solusyon and in fact ang pagsasabi niya na “it’s time to kill criminals” yung mga statement ng isang Presidente ay parang isang pagpapahayag na kung saan nagiging isang state policy ito,” pahayag ni Father Apugan sa Radio Veritas.

Batay sa pinakahuling tala ng Philippine National Police noong ika-23 ng Nobyembre, umaabot na sa higit 4,600 ang bilang ng mga nasasawi sa patuloy na War on Drugs ng pamahalaan kung saan sa bilang na ito nasa 1,959-ang napatay sa gitna ng operasyon ng mga pulis habang aabot naman sa 2,646 ang bilang ng mga biktima ng summary execution sa buong bansa.

Sa kabila nito, naunang inihayag ng PNP at maging ng Philippine Drug Enforcement Agency na nasa higit 3 milyon pa ang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa bansa.

Magugunitang, bagamat una nang nagpahayag ng pagsuporta ang Simbahang Katolika sa layunin ng kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga ay binigyang diin nitong hindi nararapat malabag ang anumang karapatan ng mga mamamayan higit sa lahat kumitil ng buhay.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 29,036 total views

 29,036 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 47,020 total views

 47,020 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 66,957 total views

 66,957 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 83,855 total views

 83,855 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 97,230 total views

 97,230 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Volunteers, pinasasalamatan ng PPCRV

 23,919 total views

 23,919 total views Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa lahat ng PPCRV volunteers sa buong bansa na masigasig

Read More »
Scroll to Top