3,026 total views
Hinimok ng International Labour Organization (ILO) at United Nations Children Fund (UNICEF) ang mga employers na suportahan ang breastfeeding ng mga ina sa lugar ng paggawa.
Ang panawagan ay sa paggunita ngayong August 01 hanggang ika-7 ng Agosto ng World Breastfeeding Week na layuning maging malusog ang mga ina higit na ang mga sanggol sa kanilang paglaki.
Ayon kay Khalid Hassan – ILO Philippines Country Director, ang panawagan ay upang mapaigting ang kampanya para magkaroon breastfeeding area para sa mga kababaihang manggagawa.
““Maternity protection to support exclusive and continued breastfeeding is a universal but unfulfilled human and labour right. Paid and job-protected maternity leave and adequate maternal and child healthcare are essential to the life, health, safety and economic fulfilment of women and their children. However, discrimination based on maternity persists for many women in the Philippines and across the world,” ayon sa mensahe ni Hassan na ipinadala ng ILO-Philippines sa Radio Veritas.
Paalala ng ILO at UNICED ang pagsunod ng mga employers sa Expanded Breastfeeding Promotion Act of 2009 kung saan kinakailangan sa mga kompanya ang pagkakaroon ng breastfeeding areas kung saan ligtas ding maiimbak ng mga ina ang kanilang gatas. .
sa tala ng ILO, matutulungan ng inisyatibo ang mga kababaihan na maayos na makapagtrabaho dahil umabot sa 2-milyong kababaihan ang kinailangan huminto sa pagtatrabaho sa buong mundo ng dahil sa pandemya.
““The benefits of breastfeeding for children, mothers, and society are widespread. Breastfeeding protects infants against life-threatening infections, supports healthy brain development in children, and prevents chronic childhood and maternal illness, reducing health care costs,” ayon naman sa mensahe ni Behzad Noubary – UNICEF Philippines Deputy Representative na ipinadala sa Radio Veritas.
Iginiit naman ng Department of Health ang mga benepisyo ng breastfeeding sa mga sanggol tulad ng pagkakaroon ng karagdagang proteksyon mula sa ibat-ibang uri ng sakit, nakakatulong din sa maayos na paglaki ng mga sanggol sa parehong pisikal at mental na aspeto.
Sa bahagi naman ng mga ina, bukod sa pagtitipid at higit na pagkakaroon ng malalim na ugnayan sa kanilang mga anak ay nakakatulong ang breastfeeding upang hindi magkaroon ng breast cancer, postpartum hemorrhage, ovarian cancer at iba pang uri ng sakit.