Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

3 bagyo, inaasahang papasok sa PAR ngayong Agosto

SHARE THE TRUTH

 7,491 total views

Dalawa hanggang tatlong bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility sa buwan ng Agosto.

Ito ayon kay Chris Perez, assistant weather chief ng Pagasa sa panayam ng Veritas Pilipinas.
Hinihikayat ni Perez ang publiko na patuloy na maghanda at tuwinang mag-antabay sa paalala ng Pagasa at lokal na pamahalaan.

“Ngayong August po mayroong possibility na baka may monitor tayo na mamuo sa loob ng PAR o pumasok dito sa loob ng PAR ng mga at least two hanggang tatlo 3 na bagyo for the month of August kaya sa mga kababayan po natin dapat mag antabay din ng daily weather update,” ayon kay Perez.

Sa buwan ng July, tatlong malalakas na bagyo ang naitala ang mga Bagyong Dodong, Egay at Falcon na kasalukuyan pang nasa teritoryo ng Pilipinas na pawang nanalasa sa hilagang Luzon.

Sa kasalukuyan ay umiiral din sa malaking ng bansa ang wind sytem na hanging habagat na bagama’t hindi kasing lakas ng bagyo ay mas napag-iibayo naman ang habagat na nagdadala ng mga pag-ulan.
“So, sa nangyayari po nating senaryo ngayon, malakas yung Falcon at dahil lakas niya hinahatak niya yung habagat palapit ng ating bansa,” paliwanag ni Perez.

Ang bagyong Falcon ay ang ika-anim na bagyo na pumasok sa bansa mula sa karaniwang higit 20 bagyo kada taon.

Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), halos 670-libong pamilya o 2.4-milyong indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Egay.

Umabot na rin sa 25 ang kabuuang bilang ng mga nasawi, 52 ang nasaktan, habang 13 naman ang nawawala

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 35,080 total views

 35,080 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 46,210 total views

 46,210 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 71,571 total views

 71,571 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 81,941 total views

 81,941 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 102,792 total views

 102,792 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 6,516 total views

 6,516 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »

RELATED ARTICLES

Bank Secrecy Law, pina-aamyendahan

 1,312 total views

 1,312 total views Isinusulong ni Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang House Bill No. 7 na naglalayong amyendahan ang Bank Secrecy

Read More »

50-pesos na wage hike, binatikos

 21,612 total views

 21,612 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »
Scroll to Top