Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 202,465 total reads

Mga Kapanalig, may tatanggalin na sa gobyerno—ang mga epal!

Ito ay matapos maglabas ang Department of the Interior and Local Government (o DILG) ng anti-epal policy. Sa ilalim ng direktibang ito, bawal na ang paglalagay ng pangalan, larawan, simbolo, at kung anu-ano pang paandar o palatandaan ng mga pulitiko at opisyal sa mga proyekto at dokumento ng pamahalaan.

Alam na alam na natin ang ganitong galawan. May ginagawang bagong kalsada o tulay, may makikita kang mukhang nakangiti sa tarpaulin. Kadalasan, mas malaki pa ang mukha ng pulitiko kaysa sa pangalan ng mismong proyekto. Hindi mo na tuloy alam kung ano ang ipinagmamalaki ng mga opisyal na ito: ang proyektong ipinatayo o ang bago nilang anggulo mula sa photoshoot. Kapansin-pansin ding napakabilis ng mga pulitiko kapag ang usapan ay ang paglalagay ng kanilang pangalan at larawan, pero kapag ang usapan ay kung kailan matatapos ang proyekto, tahimik sila.

Hindi natin utang na loob sa mga pulitiko ang anumang serbisyong hatid ng gobyerno at ang mga proyektong ipinatutupad nito. Trabaho nila ito. Walang bonus points, walang “thank you” tarpaulin, at lalong walang “with love, mayor.” At huwag nating kalimutan: pera natin ang gamit sa mga ito. Kung may dapat pasalamatan at mailagay sa mga tarpaulin, mas tama pang sabihin na “salamat, taxpayers!”

Sa mga epal, ang dapat sana’y simpleng pagtupad sa tungkulin ay nagiging marketing strategy, isang paraan para magpasikat at magyabang. Ang dapat na serbisyo sa taumbayan, nagiging paglalako ng sarili sa publiko. Ang dapat na pananagutan sa bayan, nauuwi sa pagpapabango ng pangalan. Nawawala ang tunay na diwa ng panunungkulan at pananagutan. Hindi mahalagang malaman ang mga pulitikong epal. Mas mahalagang malaman kung sinu-sino ang dapat managot kapag may palpak na proyekto.

Sa tulong ng direktibang ito ng DILG, inaasahang lilinis na rin ang paligid. Sa mga basketball courts, wala nang apelyido ng nakaupong pulitiko. Sa mga poste ng ilaw, wala nang mga initials ng opisyal. Sa mga tarpaulin, wala na ang malaking mukha ng pulitiko. Sa mga ayuda, walang tatak ng logo o larawan ang mga sisidlan na para bang kampanya. Sa mga permits at papeles, wala nang pagkakakilanlan ng sinumang opisyal. Higit sa lahat, wala nang makikitang tarpaulin na nagsasabing mga proyekto iyon ni mayor o ni congressman. Una sa lahat, hindi galing sa bulsa nila ang ipinampagawa sa mga ito. Pera natin!

Kung tunay na maipatutupad, ang ginawang ito ng DILG ay umaayon sa itinuturo ng Simbahan na ang kapangyarihang taglay ng mga opisyal ng gobyerno ay dapat laging nakatuon sa kabutihang panlahat. Ibig sabihin, ang pagkakaroon ng posisyon at kapangyarihan ay hindi lisensya para magpasikat. Pananagutan itong dapat gamitin sa tama, makatarungan, at makataong layunin.

Paalala nga sa Mateo 20:26: “Kung nais ninyong maging dakila, dapat kayong maging lingkod sa iba.” Ang isang lingkod ay hindi naghahanap ng papuri. Hindi kailangang ianunsyo ang kanyang trabaho. Hindi siya humihingi ng palakpakan. Ginagawa lamang niya ang tama, kahit walang nakapaskil na pangalan o mukha niya. Hindi niya kailangan ang mga ito para patunayan ang sarili.

Pero hindi sapat na maglabas lamang ang gobyerno ng direktibang kontra epal. Kailangan itong ipatupad nang tuloy-tuloy, pantay-pantay, at walang pinipiling posisyon o apelyido. Dapat ding panagutin ang mga lalabag, dahil kung hindi, babalik din ang mga epal sa sandaling lumamig ang usapan. 

Mga Kapanalig, kung ang mga nasa pamahalaan ay tunay na naglilingkod para sa kabutihang panlahat, hindi magiging mahirap na isantabi ang pagiging epal. Ang lider na tapat sa tungkulin ay hindi kailangang ipaalam sa mga pinaglilingkuran niya kung sino siya. Sapat nang makita at maramdaman ng taumbayan ang serbisyong kanyang inihahatid.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 49,807 total reads

 49,807 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 129,480 total reads

 129,480 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 162,927 total reads

 162,927 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 198,225 total reads

 198,225 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 422,791 total reads

 422,791 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 49,808 total reads

 49,808 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 129,481 total reads

 129,481 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 162,928 total reads

 162,928 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 198,226 total reads

 198,226 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top