Paghinto ng mining operations ng Woggle corporation, ipinag-utos ng MGB

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,607 total reads

Ipinag-utos ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ang pansamantalang pagpapahinto sa operasyon ng Woggle Corporation kaugnay ng mga naganap na insidente sa Barangay Bitnong, Dupax del Norte.

Sa liham ni MGB Assistant Secretary for Mining Concerns at OIC Director Michael Cabalda kay Woggle Corporation President Tommy Alfonso noong February 5, 2026, ipinag-utos ang agarang suspension ng lahat ng exploration activities ng kumpanya dahil sa umiiral na “force majeure,” kabilang ang mga barikadang humarang sa pagpasok sa permit area.

Ayon sa MGB, mananatili ang suspension hanggang sa maibalik ang normal na peace and order situation batay sa kanilang pagsusuri.

“Woggle is hereby directed to immediately cease and desist from all exploration activities within the permit area for the duration of the suspension. This suspension shall not be construed as a cancellation of the Exploration Permit but is imposed strictly as a regulatory measure in view of existing force majeure situation,” ayon sa liham ni Cabalda.

Nilinaw rin ng ahensya na ang hakbang ay hindi nangangahulugang kanselado ang exploration permit, subalit inatasan ang Woggle na magsagawa ng rehabilitasyon sa mga naapektuhang lugar.

Pinuri naman ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ang desisyon ng MGB at kinilala ang paninindigan ng mga residente ng Dupax del Norte na tumutol sa operasyon ng kumpanya sa pamamagitan ng mga kilos-protesta at barikada.

Ayon kay ATM National Coordinator Jaybee Garganera, hindi kikilos ang MGB kung hindi dahil sa matatag na pagtutol ng komunidad sa kabila ng banta at pananakot.

Gayunman, iginiit pa rin ng ATM ang panawagan na tuluyang kanselahin ang exploration permit ng Woggle dahil sa kawalan ng pahintulot ng komunidad at sapat na public consultations.

“The barricades and protest actions of the people clearly show their lack of consent to mining activities. This should compel the MGB to cancel the permit, which has been granted under dubious circumstances due to the absence of public consultations and other requirements,” giit ni Garganera.

Nanawagan din ang grupo sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpatupad ng mas mahigpit na regulasyon sa pagmimina, kabilang ang pagpapawalang-bisa sa Philippine Mining Act at pagpasa ng Alternative Minerals Management Bill.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 50,766 total reads

 50,766 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 130,398 total reads

 130,398 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 163,845 total reads

 163,845 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 199,143 total reads

 199,143 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 423,653 total reads

 423,653 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 156,975 total reads

 156,975 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top