Holy Rosary Parish sa Angeles city, idineklarang Minor Basilica

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,401 total reads

Personal na pinangunahan ni Rev. Fr. Manuel Sta. Maria, kura paroko ng Holy Rosary Parish (HRP) sa Angeles City ang pagtanggap sa opisyal na Decree (Prot. N 39/26) na nagdedeklara sa parokya bilang isang bagong Minor Basilica ngayong ika-10 ng Pebrero, 2026.

Kasama ni Fr. Sta. Maria na nagtungo sa Apostolic Nunciature at nakipagtagpo kay Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown sina Rev. Fr. John Henry Yutuc, parochial vicar, at HRP resident priests Rev. Fr. Omar Defensor, Rev. Fr. Gian Sagum, at Rev. Fr. Maverick Pelayo.

Nagpaabot naman ng taus-pusong pasasalamat si Fr. Sta. Maria para sa buong parokya at binigyang-diin na ang karangalang ito ay bunga ng sama-samang pananampalataya ng buong pamayanan.

“This honor given to us is not only a testament to the Angeleños’ devotion to the Blessed Mother, but the Kapampangan’s faith as well.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Sta. Maria.

Ayon sa official Facebook page ng The Roman Catholic Archdiocese of San Fernando ang pormal na pagtataas sa Holy Rosary Parish sa Angeles City, Pampanga bilang Minor Basilica ay isang karangalang kinikilala ang matibay na debosyon at pananampalataya ng sambayanang Kapampangan, lalo na ang malalim na pagmamahal sa Mahal na Birheng Maria.

Ang pagkilalang ito ay ipinagkaloob bilang tugon sa panalangin at hangarin ng pari at ng mga Kristiyanong mananampalataya ng Pampanga, gayundin sa opisyal na petisyon ni San Fernando Archbishop Florentino Lavarias.

Ang atas ng pag-angat sa bilang Minor Basilica sa parokya ay ipinagkaloob ni Pope Leo XIV sa pamamagitan ng Dicastery for Divine Worship and the Discipline of the Sacraments.

Ang Holy Rosary Parish sa Angeles City ang magsisilbing kauna-unahang Simbahan na ginawaran ng titulong Minor Basilica sa Arkidiyosesis ng San Fernando at sa buong lalawigan ng Pampanga, at ika-30 sa buong Pilipinas na tumanggap ng nasabing pagkilala, na isang patunay sa natatanging ambag sa pananampalataya, kasaysayan, at kultura ng mga Kapampangan.

Inaasahan namang iaanunsyo sa mga susunod na araw ang petsa ng Solemn Declaration sa Holy Family Parish bilang Minor Basilica.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 53,078 total reads

 53,078 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 132,583 total reads

 132,583 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 166,028 total reads

 166,028 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 201,326 total reads

 201,326 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 425,740 total reads

 425,740 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top