Panatilihing buhay ang diwa ng EDSA people power, panawagan ng CEAP sa mga kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,128 total reads

Muling nananawagan ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) sa kabataang Pilipino na panatilihing buhay ang diwa ng pananampalataya, tapang, at pagkakaisa kasabay ng paggunita ng 40th Anniversary ng EDSA People Power Revolution.

Sa ilalim ng temang “40 Years of Courage. One CEAP Community”, hinihikayat ng CEAP ang lahat ng kasaping paaralan nito na makiisa sa iba’t ibang gawain na isasagawa sa National Shrine of Mary, Queen of Peace o mas kilala bilang EDSA Shrine at sa mga katuwang na institusyon.

Ayon sa CEAP, ang paggunita sa EDSA People Power Revolution ay hindi lamang pagbabalik-tanaw sa kasaysayan kundi isang panawagan sa kasalukuyan at hinaharap, lalo na para sa mga kabataan at guro sa mga paaralang Katoliko.

“As we mark the 40th Anniversary of the EDSA People Power Revolution, the Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP), we are especially calling on our CEAP member schools to join us in the various activities centered at the EDSA Shrine and our partner institutions.” Bahagi ng paanyaya ng CEAP.

Paalala ng CEAP ang “TAYO ANG PEOPLE POWER: Noon, Ngayon, at Bukas!” na diwa ng EDSA ay dapat na patuloy na mabuhay sa mga silid-aralan, sa mga paaralan, at sa araw-araw na pagtuturo ng katotohanan, katarungan, at malasakit sa kapwa.

Bilang bahagi ng selebrasyon, inaanyayahan ng CEAP ang mga paaralan, student leaders, at mga guro na aktibong lumahok sa mga programang nakasentro sa EDSA Shrine na isang lugar na patuloy na sumisimbolo sa mapayapang pakikibaka ng sambayanan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa CEAP.

“We encourage all interested schools, student leaders, and educators to participate, please send an email to: [email protected]. Let us journey together and affirm that the spirit of People Power lives on in our Catholic schools. TAYO ANG PEOPLE POWER: Noon, Ngayon, at Bukas!” Dagdag pa ng CEAP.

Binigyang-diin ng samahan na ang papel ng edukasyon ay mahalaga sa pagpapanatili ng diwa ng EDSA People Power Revolution na isang diwang humuhubog sa mga kabataang hindi lamang mahusay sa akademya, kundi may tapang na manindigan, may malasakit sa bayan, at may pananampalatayang gumagabay sa pagkilos.

VP Sara at asawa, may 51-baril

 3,085 total reads

 3,085 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 5,208 total reads

 5,208 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 5,141 total reads

 5,141 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya na si Mary Jane

 17,017 total reads

 17,016 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 66,521 total reads

 66,521 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 88,611 total reads

 88,611 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 188,432 total reads

 188,432 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 220,794 total reads

 220,794 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 5,210 total reads

 5,210 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »
Scroll to Top