ILO, aminadong banta sa trabaho ng mga Pilipino ang AI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,949 total views

Pinangangambahan ng International Labor Organization o ILO Philippines ang patuloy na pag-usbong ng Artificial Intelligence na banta sa trabaho ng mga Pilipino.

Inamin ni ILO Philippines Director Khalid Hassan na bagamat hindi kagyat na mawawala ang trabaho para sa ibat-ibang sektor ay maapektuhan nito ang trabaho ng may 12.7-Pilipino dahil sa mabibilis at ibat-ibang uri ng tulong na naiaalok ng AI sa tao.

Inihayag ni Hassan na kapag nangyari ito, tataas ang antas ng kahirapan sa Pilipinas dahil dadami ang mawawalan ng trabaho sa mga Pilipino kapag hindi nagkaroon ng maayos na batas na magre-regulate sa paggamit ng AI.

“If we want AI to create decent work rather than deepen divides, we must act now. The message from the ILO’s new research is clear: AI can raise productivity and job quality, but only if no one is left behind”, ayon sa mensahe ni Hassan na pinadala sa Radyo Veritas.

Babala ng ILO, kung walang kagyat na pagtugon ay maaaring magdudulot ng matinding suliranin ang pag-usbong ng AI na magdudulot ng hindi pagkakapantay na mararanasan ang mga kababaihan at kabataan dahil sa kahirapan, informal work, at sigalot.

Kumbinsido naman si Hassan na kung bibigyang prayoridad ng pamahalaan ang maayos na pangangasiwa sa AI ay magdudulot ito ng maraming trabaho mula sa Information Technology, digital skills, Science, Technology, Engineering, and Mathematics o STEM education, at suporta sa women-led enterprises.

“Women and young people should not be treated merely as workers adapting to AI, but as innovators shaping how it is used. -The future of work is being built today. The real question is whether we build it with inclusion, dignity, and social justice at its core or allow old inequalities to be hard-wired into new technologies,” bahagi pa ng mensahe ni Hassan na pinadala ng ILO Philippines sa Radyo Veritas.

Sa tala ng ILO Philippines, 12.7-million ang bilang ng mga Pilipino ngayon na exposed sa generative AI na pinangangambahan mawalan o maapektuhan ang trabaho at kabuhayan.

Sa panlipunang aral ng Simbahang Katolika, paulit-ulit na binigyang-diin ni Pope Francis na ang teknolohiya ay dapat magsilbi sa dignidad ng tao at sa kabutihang panlahat at hindi sa iilan lamang.

Kaakibat din ito ng turo ni Pope Leo XIII sa kaniyang ensiklikal na Rerum Novarum ay nakasaad na nararapat igalang at pangalagaan ang karapatan ng mga manggagawa, lalo na ang mahihina, upang matiyak na ang pag-unlad ay may kasamang katarungang panlipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 58,092 total views

 58,092 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 132,706 total views

 132,706 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 212,785 total views

 212,785 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 255,924 total views

 255,924 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 253,563 total views

 253,563 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top