Pagpapakasal sa Mountain chapel sa Itogon-Benguet, ipinagbabawal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,464 total views

Mariing nilinaw ng Diocese of Baguio na hindi pinahihintulutan ang pagsasagawa ng Sakramento ng Kasal sa Mountain Chapel sa Itogon, Benguet.

Ito ang tugon ni Bishop Rafael Cruz kasunod ng dumaraming katanungan mula sa mga nagnanais magpakasal sa naturang lugar.

Sa circular letter ng obispo, binigyang diin nitong tanging sa mga konsagradong simbahan at kapilya lamang maaaring ipagdiwang ang Sakramento ng Pag-iisang dibdib.

“The Sacrament of Marriage is to be celebrated strictly within consecrated parish churches or chapels,” ayon kay Bishop Cruz.

Ipinaliwanag pa ni Bishop Cruz na ang mga non-sectarian at hindi konsagradong lugar ay walang pahintulot ng Simbahan para sa mga pagdiriwang ng sakramento ng kasal.

Partikular na tinukoy sa liham ng obispo na hindi maaaring magsagawa ng kasal sa Mountain Chapel subalit maaari itong gawing reception venue.

“Non-sectarian venues that have not been consecrated by the Catholic Church are not authorized for the celebration of the Sacrament of Marriage. Therefore, the Catholic faithful are not permitted to hold wedding sacraments at the Mountain Chapel,” giit ni Bishop Cruz.

Nagbabala rin ang obispo laban sa mga gawain na maaaring magdulot ng kalituhan sa mga mananampalataya, kabilang ang pagdaraos ng renewal of vows o basbas ng kasal sa mga hotel, parke, at iba pang hindi konsagradong lugar habang nakasuot ng kasuotang liturhikal o gumagamit ng opisyal na ritwal ng Simbahan.

“To avoid confusion and the mistaken perception of a ‘Catholic sacramental wedding,’ diocesan and guest priests are not permitted to conduct marriage renewals within a Mass, nor to perform the nuptial renewal of vows and blessings while wearing liturgical vestments or using official rites, in non-sectarian locations,” giit ng obispo.

Paliwanag ni Bishop Cruz na ang ganitong paninindigan ay upang mapanatili ang kabanalan ng sakramento at maiwasang maging ‘socio-cultural event’ lamang ang sakramento.

Muling iginiit ng obispo na pinangangalagaan ng Simbahan ang dignidad at kabanalan ng Sakramento ng Kasal, at hinikayat ang mga magkasintahang nagpaplanong magpakasal na dumulog sa kani-kanilang mga parokya para sa wastong paggabay at paghahandang kanonikal.

“The Church upholds the dignity and sanctity of the Sacrament of Marriage,” giit ni Bishop Cruz.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 2,579 total views

 2,579 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 25,731 total views

 25,731 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 95,843 total views

 95,843 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 170,457 total views

 170,457 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 250,379 total views

 250,379 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top