Pagsasabuhay ng synodality, paiigtingin ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,096 total reads

Pinaiigting ng Archdiocese of Manila ang mga konkretong hakbang upang ganap na maisabuhay ang synodality sa buong arkidiyosesis, kasabay ng paghahanda sa mga susunod na pandaigdigang pagtitipon ng Simbahan at sa ika-450 anibersaryo ng pagkakatatag ng diyosesis sa 2029.

Ayon kay Fr. Jason Laguerta, Vicar for the Implementation of the Traslacion Roadmap, isa sa mahahalagang hakbang ng arkidiyosesis ang kauna-unahang Manila Archdiocesan Ecclesial Assembly (MAEA 2026) na layong patibayin ang synodal journey na sinimulan noong 2021.

Sinabi ng pari na patuloy ang pagkilos ng lokal na Simbahan ng Maynila upang pagnilayan at isabuhay ang mga resulta ng malawakang konsultasyon sa iba’t ibang komunidad at sektor.

Aniya, bahagi ito ng paghahanda ng arkidiyosesis sa Universal Ecclesial Assembly ng Vatican sa 2028, habang target namang ganap na maipatupad ang mga synodal program sa 2029.

“Yung 2029, tinitingnan natin ‘yun as timeline na hopefully by that time, mas talagang yung Archdiocese of Manila ay synodal na, both in vision and in practice,” pahayag ni Fr. Laguerta sa Radyo Veritas.

Ibinahagi rin ni Fr. Laguerta na noong 2021, sa pamamagitan ng Audiam sa RCAM, pinakinggan ng arkidiyosesis ang mga “salamat at sana” ng sambayanan.

Mula rito ay nabuo ang Manila Synthesis Report na isinumite sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, na nagsilbing batayan sa pagbuo ng Traslacion Roadmap.

Ang roadmap, ayon sa pari, ang nagsisilbing gabay ng arkidiyosesis sa pagsasabuhay ng synodality, isang proseso na hindi lamang nananatili sa pakikinig kundi humahantong sa sama-samang pagkilos.

“Hindi lang tayo nakikinig, kailangan kumikilos. Hindi lamang bilang isang ideya o pananaw, kundi bilang isang realidad sa ating paglalakbay,” dagdag pa ng pari.

Binigyang-diin din ni Fr. Laguerta na nakatuon ang arkidiyosesis sa tatlong pangunahing pastoral focus: integral faith formation, holistic human development, at governance and stewardship.

Layunin ng mga ito na makapagbalangkas ng mas malinaw at kongkretong hakbang upang maisabuhay ang diwa ng pakikilahok, pananagutan, at sama-samang paglalakbay ng Simbahan.

Isinagawa ang dalawang araw na MAEA 2026 sa The Fifth, Rockwell sa Makati City, na dinaluhan ng mahigit 500 delegado mula sa iba’t ibang parokya at sektor ng arkidiyosesis, sa pangunguna ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, kasama ang mga pari, relihiyoso, at mga layko.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 4,915 total reads

 4,915 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 15,326 total reads

 15,326 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 56,286 total reads

 56,286 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 90,413 total reads

 90,413 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 146,819 total reads

 146,819 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top