Pag-aayuno, isang espiritwal na disiplina na nagbubukas sa puso ng mananampalataya-Papal Nuncio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,364 total views

Muling binigyang-diin ng opisyal na kinatawan ng Vatican sa Pilipinas ang mas malalim na kahulugan ng pag-aayuno bilang espirituwal na disiplina na nagbubukas ng puso ng mananampalataya.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown sa kanyang naging Pastoral Visit On The Air sa himpilan ng Radyo Veritas ang Radyo ng Simbahan, kaugnay sa papalapit na Miyerkules ng Abo sa ika-18 ng Pebrero, 2026 na hudyat ng pagsisimula ng panahon ng Kwaresma.

Ayon kay Archbishop Brown, ang pag-aayuno ay isang espirituwal na disiplina na nagbubukas ng puso ng bawat mananampalataya sa mas masidhing panalangin at sa biyaya ng Banal na Eukaristiya.

Sa kanyang pagninilay, ipinaliwanag ng Nuncio na ang pag-aayuno ay hindi lamang simpleng pag-iwas sa pagkain, kundi isang pambihirang hakbang upang bigyang-daan ang buhay na espirituwal na nagmumula sa Diyos.

“So when we fast, we have more time to pray. More time to pray. And, there are all kinds of, yeah, I think there’s also probably a connection between fasting and the Eucharist, you know, because when we fast, we’re not eating food that gives us biological life.” pahayag ni Archbishop Brown sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi ni Archbishop Brown, ang bawat pagkain ay nagbibigay ng ‘biological life’, subalit sa Eukaristiya ang tinatanggap ng mananampalataya ay isang mas mataas at walang hanggang buhay na nagmumula sa Panginoon.

Ipinaliwanag ng Nuncio ang kusang pagtalikod sa pagkain ay maaaring magbukas sa tao sa mas malalim na pagtanggap ng biyayang espirituwal na nagmumula sa Eukaristiya, kung saan binalikan din ng Arsobispo ang tradisyon ng Simbahan hinggil sa pag-aayuno bago tumanggap ng Banal na Komunyon.

“Every calorie is live it’s a life and um so spiritually the eucharist is the bread of eternal life, a different kind of life. It’s similar, analogous. That means it’s similar to biological life, but it’s different. So maybe there’s something about not eating biological, not receiving biological life, to open yourself more to spiritual life from the Eucharist in fasting. That’s why, traditionally, we fasted before receiving the Eucharist, which now has been reduced to an hour before we receive.” Dagdag pa ni Archbishop Brown.

Ayon kay Archbishop Brown, ang pag-aayuno ay isang paraan ng paghahanda, hindi lamang ng isip kundi pati ng pisikal na katawan upang tanggapin ang pambihirang buhay na nagmumula sa Diyos.

“There is a connection between depriving yourself of biological life to kind of open your heart and your body even to this supernatural life that’s flooding into you through the Eucharist. Make way for the divine.” Ayon pa kay Archbishop Brown.

Bagama’t kinikilala ng Arsobispo ang pisikal na benepisyo ng pag-aayuno, binigyang-linaw ni Archbishop Brown na ang pangunahing layunin nito para sa mga Kristiyano ay espirituwal.

“It seems like it has health benefits. But we fast not really for physical health benefits, even though it has physical health benefits. We do it for spiritual health benefits.” Dagdag pa ni Archbishop Brown.

Sa kanyang mensahe, hinihikayat ni Archbishop Brown ang mga mananampalataya na tingnan ang pag-aayuno bilang isang sagradong paghahanda at isang paraan upang linisin ang sarili at bigyang-daan ang mas ganap na pakikipagtagpo kay Kristo sa Eukaristiya, lalo na sa mga panahong liturhikal ng pagninilay at pagbabalik-loob.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 2,601 total views

 2,601 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 25,753 total views

 25,753 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 95,865 total views

 95,865 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 170,479 total views

 170,479 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 250,401 total views

 250,401 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 2,815 total views

 2,815 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top