Episcopal ordination ng Diocese of Ipil Bishop-elect, itinakda sa July 29

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,737 total views

Nakatakdang gawaran ng episcopal ordination sa July 29 si Diocese of Ipil Bishop-elect Glenn Corsiga.

Ayon kay Dumaguete Bishop Julito Cortes isasagawa ang ordinasyon sa alas nuwebe ng umaga sa Saint Catherine of Alexandria Cathedral Parish.

Ibinahagi ng obispo na magsisilbing Principal Consecrator kay Bishop-elect Corsiga si Zamboanga Archbishop Julius Tonel bilang metropolitan archbishop sa ecclesiastical province kung saan napabilang ang Ipil.

Magsisilbing co-consecrator naman si Bishop Cortes bilang kasalukuyang obispo ng Diocese of Dumaguete kung saan napabilang ang bishop-elect at si Palo Archbishop John Du naman na dating obispo ng Dumaguete habang si Cebu Archbishop Jose Palma ang magbibigay ng homiliya sa pagdiriwang.

Samantala itinakda naman ng Diocese of Ipil ang installation kay Bishop-elect Corsiga sa cathedra ng Cathedral of St. Joseph the Worker sa August 14 sa alas nuwebe ng umaga.

Matatandaang si Bishop-elect Corsiga ang huling naitalaga ni Pope Francis bilang obispo noong April 14, isang linggo bago pumanaw ang dating santo papa noong April 21.

Ang 60-taong gulang na bishop-elect ay nagtapos ng philosophy sa St. Joseph Seminary College sa Sibulan, Negros Oriental at theology sa Divine Word Seminary sa Tagaytay City.

Pormal na inordinahang pari ng Dumaguete noong December 14, 1993 at ilan sa kanyang mga naging tungkulin sa diyosesis ang pagiging parochial vicar ng St. Catherine of Alexandria Cathedral, Sta. Clara de Montefalco sa Pasay, spiritual director ng St. Joseph Seminary College, at chaplain of St. Paul University – Dumaguete.

Dalawang taong nanilbihang vice chancellor ng diyosesis bagong maging rector ng St. Joseph Seminary College.

Taong 2011 nang gawin itong papal chaplain ni Pope Benedict XVI, naging kura paroko ng St. James the Greater sa Tanjay ng anim na taon at kasalukuyang vicar general ng diyosesis mula 2017 at kura paroko ng St. Augustine of Hippo Parish sa Bacong Negros Oriental mula 2020.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 14,597 total views

 14,597 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 42,602 total views

 42,602 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 60,402 total views

 60,402 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 59,822 total views

 59,822 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 171,266 total views

 171,266 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Santo Papa, nanawagan ng pagbangon

 7,859 total views

 7,859 total views Mariing nanawagan ng pagbangon at pag-asa ang Kanyang Kabanalan Leon XIV sa mamamayan ng Angola sa kanyang isinagawang misa sa kanyang pagdalaw sa

Read More »
Scroll to Top