Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Espiritu Santo, isang spiritual oxygen na magliligtas sa sangkatauhan

SHARE THE TRUTH

 644 total views

Ang Espiritu Santo ay nagsisilbing spiritual oxygen na magliligtas sa sangkatauhan mula sa espiritwal na polusyon at usok na nagmumula sa apoy ng kasinungalingan at panlilinlang.

Ito ang bahagi ng pagninilay ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa pagdiriwang ng Linggo ng Pentekostes o ang pagbaba ng Banal na Espiritu 50-araw makaraan ang Linggo ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon.

Ayon sa Obispo na siyang Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang Espiritu Santo ay ang Banal na Hininga ng Diyos na siyang kinakailangan ng bawat isa bilang gabay upang makaligtas sa pagkahimatay mula sa iba’t ibang mga espiritwal na polusyon at pagsubok sa araw-araw.

“Kung polluted ang hangin mas polluted ang digital space. Kapag hinayaan talaga nating masunog ang daigdig at mapuno ng usok ng kasinungalingan at panlilinlang, kapag tuluyan na tayong nawalan ng tiwala sa isa’t isa, aba’y talagang trahedya ang kahihinatnan nating lahat. Ang Espiritu Santo ay ang Banal na Hininga ng Diyos, ito ang ating spiritual oxygen na siya lamang magliligtas sa atin sa pagkahimatay sa mga sunog na hinaharap natin araw-araw sa ating mga buhay sa matalinhagang pananalita.”pagninilay ni Bishop David.

Ibinahagi ng Obispo na kung laganap na ang polusyon sa hangin dulot ng kapabayaan sa kalikasan ay puno ng polusyon at basura ang digital space na nagdudulot ng espiritwal na polusyon sa lipunan.

Ipinaliwanag ni Bishop David na ang mga nakakalasong pag-iisip, damdamin, disimpormasyon at palitan ng mga masasamang salita sa iba’t ibang social media platforms ay nagdudulot ng espiritwal na polusyon.

Sinabi ng Obispo na nagdudulot ito sa bawat isa ng pangamba, takot at pagdududa sa kapwa.

“Ang araw na ito ng Pentekostes ay nagpapaalala sa atin na kung matindi ang pisikal na polusyon na dulot ng kapabayaan natin sa ating kapaligiran, di hamak na mas matindi ang espiritwal na polusyon sa ating lipunan. Alam natin kung gaano kalaganap ang napaka-toxic na pag-iisip at damdamin na nagdudulot ng mga takot, pangamba, at mga pagdududa sa ating lahat. Alam natin kung gaano kabilis kumalat ang nakalalason na mga salita, mga palitan ng comments sa Facebook, Tiktok, Twitter, Instagram sa lahat ng mga social media platforms, ang malaganap na disimpormasyon at pagkakalat ng espiritwal na basura sa digital space.” Dagdag pa ni Bishop David.

Umaasa naman si Bishop David na maging bukas ang lahat sa isa sa mga mahalagang mensaheng hatid ng Espiritu Santo sa sanlibutan -ang kakayang magpatawad at humingi ng tawad.

Ang Pentekostes ay ang pagbaba ng Banal na Espiritu 50 araw makalipas ang Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo upang maghatid ng kapayapaan sa buhay ng tao at sa buong sanlibutan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 71,201 total views

 71,201 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 103,196 total views

 103,196 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 147,988 total views

 147,988 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 170,954 total views

 170,954 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 186,352 total views

 186,352 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 9,868 total views

 9,868 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

SLP, nanawagan ng katarungan sa ICC

 60,253 total views

 60,253 total views Nanawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO) ng katarungan sa gitna ng ulat ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa mga maanomalyaang

Read More »

Walang itinatakwil ang Panginoon

 37,844 total views

 37,844 total views Binigyang-diin ni Tandag Bishop Raul Dael na walang sinuman ang itinatakwil o itinuring na walang pag-asa ng Diyos, maging ang mga Persons Deprived

Read More »

PDL’s, mga anak ng Diyos-Bishop Florencio

 44,783 total views

 44,783 total views Binigyang-diin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC), na kailanman ay

Read More »

Pagiging partisan, itinanggi ng ANIM

 54,238 total views

 54,238 total views Itinanggi ng Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) ang mga kumakalat na maling ulat sa social media na nag-uugnay sa kanilang grupo sa mga

Read More »
Scroll to Top