Mag-isip at makonsensya.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 643 total views

Ito ang panawagan ni Rodne Galicha, executive director ng Living Laudato Si’ Philippines sa mamamayan ng San Fernando, Romblon laban sa pagbubukas ng minahan sa Sibuyan Island.

Ayon kay Galicha, convernor ng Aksyon Klima, kailangang pag-isipang mabuti ang maaaring kahinatnan ng bayan ng San Fernando partikular na ang mga barangay ng España at Taclobo sakaling matuloy ang operasyon ng pagmimina.

Nagbabala ang environmental advocate na huwag hayaang masilaw ang mga sarili sa mga pekeng pangakong dala ng pagmimina dahil ito rin ang magdudulot ng paghihirap sa mamamayan at kalikasan.

“España at Taclobo, tumayo kayo, huwag pasisilaw sa pangako at pera ng minahan. Huwag na silang hayaang makapagbabarena at makapagbutas para sa eksplorasyon,” ayon kay Galicha.

Iginiit ni Galicha na hindi totoong maghahatid ng pag-unlad at magandang buhay ang pagpapahintulot sa pagmimina sa lalawigan ng Romblon.

Hinimok rin ni Galicha ang lahat na maging matatag sa pagpapahayag ng mga saloobin upang ipagtanggol ang inang kalikasan laban sa pagpasok ng mga malalaking kumpanya na pinsala ang dulot sa kapaligiran at buhay ng tao.

“We get tired, emotional and depressed, but we never give up, never. To our last breath, to your last breath. You will fight for what you care, and care for what you love,” saad ni Galicha.

Ang binabalak na mining exploration sa Sibuyan Island ay popondohan ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC) na pagmamay-ari ng Dynamo Atlantic Ltd.

Kilala ang Sibuyan Island sa taguring Galapagos of Asia dahil sa pananatili nitong nakahiwalay sa anumang bahagi ng Philippine Archipelago at nagsisilbing tahanan sa iba’t ibang uri ng hayop at halaman.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 43,226 total views

 43,226 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 65,231 total views

 65,231 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 89,573 total views

 89,573 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 112,850 total views

 112,850 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 145,418 total views

 145,418 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top