Mamamayan, hinimok na ipagdasal ang katapusan ng Russia-Ukraine war

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 687 total reads

Nanawagan ang pinuno ng Caritas Manila na sama-samang ipinalangin ang kapayaan at pagtatapos ng Russia-Ukraine war upang makaahon na sa kahirapan at guminhawa ang pamumuhay ng lahat.

Ayon kay Father Anton CT Pascual – Pangulo ng Radio Veritas at Executive Director ng Caritas Manila, ang digmaan ay nagdudulot ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo na naging resulta din ng mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.

“Una sa lahat ipagdasal po natin na matapos na ang digmaang ito sa tulong at awa ng Panginoon ang Diyos ng kapayapaan, si Hesus ang prinsipe ng kapayapaan at ipagdasal po natin ang mga drivers (Public Utility Vehicle Drivers) na naway sila’y makaahon sa krisis na ito,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Pascual

Paanyaya rin ng Pari sa mga mananampalataya na ipagdasal ang ikabubuti ng mga Public Utility Vehicle Drivers (PUV Drivers) na lubhang apektado ng hindi mapigilang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Tiniyak naman ni Fr.Pascual na tutulungan ng simbahan lalu na ng Caritas Manila ang pamahalaan upang maibsa ang krisis pang-ekonomiya.

“Ang simbahan po ay gagawa ng paraan upang makatulong-maibsan lalung-lalu na ang Caritas Manila, ang kalagayan ng mga Drivers, at nawa itong krisis na ito ng digmaan ay panandalian lamang at kapag natapos na sana’y bumaba din at ma-normalize ang presyo ng krudo at gasolina,” pahayag ni Fr.Pascual sa Radio

Unang nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pamahalaan na ipawalang bisa ang Oil Deregulation Law upang manumbalik ang kontrol ng pamahalaan sa pagpapatupad ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 13,751 total reads

 13,751 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 29,733 total reads

 29,733 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 100,797 total reads

 100,797 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 187,302 total reads

 187,302 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 230,334 total reads

 230,334 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 278,681 total reads

 278,681 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top