Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Extension ng termino ng PNP chief, suportado ng mga mambabatas

SHARE THE TRUTH

 11,208 total views

Sinang-ayunan ng ilang lider ng Mababang Kapulungan ang naging desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawigin ng apat na buwan ang termino ni PNP Chief General Rommel Francisco Marbil o hanggang sa Hunyo 2025.

Pinasalamatan din ng mga lider ng Kamara ang pamumuno ni Marbil upang mapigilan ang mga krimen at ang mas makatao at intelligence-driven na kampanya laban sa iligal na droga.

Sinabi nina Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, chair ng the House Committee on Dangerous Drugs, at Laguna Rep. Dan Fernandez, chair of the House Committee on Public Order and Safety, na ang pagpapalawig ng termino ni Marbil ay mahalaga upang mapanatili ang pinaigting na estratehiya ng pamahalaan sa pagsugpo sa ipinagbabawal na gamot.

“Gen. Marbil has successfully shifted our anti-drug operations toward a community-driven and intelligence-based approach, ensuring that law enforcement is effective without the unnecessary bloodshed we saw during the previous administration,” ayon kay Barbers.

Pinuri naman ni Fernandez ang pangkalahatang pamamaraan ni Marbil upang mapigilan ang mga krimen at paggamit ng makabagong taktika sa pagpapatupad ng batas.

“His focus on proactive policing, technological integration, and rapid response strategies has resulted in a significant drop in crime rates,” dagdag pa ng mambabatas.

Nakikiisa rin sina Barbers at Fernandez sa iba pang matataas na opisyal ng PNP na sumusuporta sa desisyon ng Pangulo na palawigin ang termino ni Marbil, para sa pagpapatuloy ng reporma sa PNP at matiyak ang kahandaan ng PNP sa paparating na halalan sa Mayo.

Mula ng manungkulan bilang pinuno ng PNP noong Abril 2024, ipinatupad ni Marbil ang ilang pangunahing structural reforms, kabilang na ang pagpapaigting ng anti-criminality operations, mabilis na pagresponde sa mga krimen at mas pinalakas na ugnayan sa pagitan ng mga pulis at mga komunidad.

Isinulong din niya ang mga makabagong estratehiya sa pagpapatupad ng batas, kabilang ang paggamit ng artificial intelligence at magkakaugnay na CCTV systems na mahalaga sa pagresolba at pagpigil ng mga krimen.

Kinilala rin nina Barbers at Fernandez sina NCRPO Chief Brigadier General Anthony Aberin at CIDG Chief Brigadier General Nicolas Torre III sa uri ng kanilang pamumuno.

Si Aberin, na pinamunuan ang NCRPO mula Nobyembre 2024, ay nagpatupad ng “AAA” policing strategy, na nagbunga ng 19.61% na pagbaba sa mga krimen laban against persons and property noong Enero 2025 kumpara sa nakaraang taon.

Ito ay sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mahigpit na disiplina sa pulisya, pakikipag-ugnayan sa komunidad, at pananagutan ay itinuturing na susi sa pagpapatibay ng tiwala ng publiko.

Samantala, sa ilalim nama ng pamumuno ni Torre sa CIDG, nagkaroon ng mahahalagang tagumpay sa pagbuwag ng mga sindikato.

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, naaresto ng CIDG ang 1,159 na suspek sa mula Nobyembre 2024, kabilang ang 881 pugante na nasa most wanted list ng pulisya.

“The commendable efforts of Generals Aberin and Torre have significantly contributed to our natijon’s safety,” sabi ni Barbers. “Their dedication and effective strategies prove that the PNP is making real progress in keeping the public safe.”

Sabi naman ni Fernandez: “With the leadership of Generals Aberin and Torre, our police force has demonstrated its capability to ensure public safety through effective, professional, and accountable law enforcement.”

Sa pagpapalawig ng termino ni Marbil, ipinahayag ng mga mambabatas at opisyal ng PNP ang kanilang tiwala na lalo pang mapagtitibay ang mga kasalukuyang reporma, lalo na habang naghahanda ang kapulisan para sa eleksyon sa Mayo.

Sa ilalim ng pamumuno ni Marbil, katuwang sina Aberin at Torre, ay inaasahang magpapatuloy sa pagbaba ng bilang ng mga krimen at magtitiyak ang isang mas makabago, epektibo, at community-oriented na PNP.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Labanan ang structures of sin

 16,598 total views

 16,598 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »

Huwag palawakin ang agwat

 27,576 total views

 27,576 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 61,027 total views

 61,027 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 81,372 total views

 81,372 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 92,791 total views

 92,791 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Marian Pulgo

Dating Pangulong Duterte, inaresto sa NAIA

 5,924 total views

 5,924 total views Inaresto ngayong umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ihain ng mga awtoridad ang warrant of arrest

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top