‘Faith Beyond Doubt’: Jesuit Commission, hinikayat ang mga Pilipino na panindigan ang Diwa ng EDSA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,314 total reads

Nagpahayag ng pakikiisa ang Jesuit Commission on the Social Apostolate sa pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng 1986 People Power Revolution.

Sa inilabas na pahayag na may pamagat na “Faith Beyond Doubt,” sinabi ng komisyon na nakikiisa ito sa panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga Pilipino na alalahanin, magsisi, at kumilos nang may tapang at pagmamahal para sa patuloy na pag-unlad ng bansa.

Ayon sa komisyon, sa kabila ng paglaganap ng maling impormasyon at historical revisionism, mahalagang sariwain ang alaala ng mga bayani ng EDSA at ang kuwento ng mamamayang nagkaisa laban sa diktadura.

“That is, we recall and celebrate the memories of those fateful and miraculous days when Filipinos courageously and peacefully fought for democracy and freedom. We repent for and own up to wasting the opportunity for real and inclusive progress and development that EDSA gave us. And we respond to or collectively work for the continuing and difficult challenge of nation-building,” ayon sa pahayag ng Jesuit Social Apostolate Commission na nilagdaan nina Fr. Nono Alfonso SJ, Rene DG Banez, Fr. Junjun Borres SJ, Fr. Manoling Francisco SJ, Marlene Gatpatan-Bedia, Dr Anna Marie Karaos, Fr. Karel San Juan SJ, at Fr. Jett Villarin SJ.

Binigyang-diin din ng komisyon na ang paggunita ay hindi lamang pagdiriwang, kundi isang panawagan sa pagsusuri ng sarili—tulad ng pagharap ni Hesus sa mga tukso sa ilang—upang manatiling tapat sa katotohanan at sa mga pagpapahalagang ipinaglaban.

Bagama’t may mga kritiko na nagsasabing limitado ang naging epekto ng EDSA, hindi maikakaila ang mga nagawa nito, kabilang ang pagpapatibay ng demokrasya, pagpapanumbalik ng Kongreso at Korte Suprema, pagbuhay sa malayang pamamahayag, at pagkakaroon ng mas demokratikong Saligang Batas.

Hinimok ng Jesuit Commission ang lahat na huwag mawalan ng pag-asa sa harap ng patuloy na hamon ng pagpapatibay at pagpapaunlad ng bansa.

Ayon pa sa pahayag, tulad ng 40-taong paglalakbay ng Israel sa disyerto, kinakailangan ang tiyaga at matibay na pananampalataya upang makamit ang tunay na kaunlaran at ganap na demokrasya sa Pilipinas.

“We cannot give in to despair, for like in EDSA 1986, we have faith in the Filipino spirit. We also believe that God remains with us. Just as the Spirit led Christ into the desert and accompanied Him in His mission, God also led us to EDSA. And God continues to journey with us as we build our country upon the continuing legacy and spirit of EDSA.”

Sa paggunita sa EDSA, naniniwala ang komisyon na patuloy na kasama ng Diyos ang bayan, at ang diwa ng pagkakaisa at tapang noong 1986 ay nananatiling gabay sa paghubog ng kinabukasan ng Pilipinas.

Ang Jesuit Commission on the Social Apostolate ay isng natatanging lupon na nangangasiwa at nag-uugnay sa misyon ng mga Heswita sa pagtataguyod ng katarungang panlipunan, pananampalataya, at pagkakasundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 76,594 total reads

 76,594 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 111,366 total reads

 111,366 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 146,666 total reads

 146,666 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 372,935 total reads

 372,935 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 262,185 total reads

 262,185 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 12,384 total reads

 12,384 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top