Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 854 total reads

Kapanalig, aminin na natin: ang fake news ay nakakabobo. Kaya nga ito na ang pangunahing sandata ng mga halang ang kaluluwa upang malinlang ang marami nating mamamayan. Ang fake news ay nagdudulot ng kaguluhan. Maari rin itong magdulot ng kamatayan. Kaya dapat tayo ay mapag-manman.

Kapanalig ang misinpormasyon at fake news ay delikado, lalo na sa ating bansa. Hindi ba’t noong na red-tag ang mga nagtataguyod ng community pantries, nakatanggap sila ng death threats at rape threats?  Nitong nakaraang araw, ang fake news naman ukol sa bakuna ang naglagay sa peligro ng maraming mamamayan- nagkagulo sa mga vaccinations sites dahil may nagkalat naman ng balita na walang bakuna, walang ayuda.

Ang fake news kapanalig, ay mas malawak ang sakop ngayon dahil sa bilis ng pagkalat ng impormasyon dahil sa Internet. Ayon nga sa isang Pulse survey noong 2018, 47% na ang gumagamit ng Internet sa atin, at kadalasan, mobile ang gamit sa pag-access nito. 98% naman ay gumagamit ng Internet para sa social media. Kaka-check natin sa social media, andami nating balitang nasasagap. Kagagamit natin ng mobile phones, may tsismis at your fingertips na.

Alam din naman ng karamihan, mga 88% ng kasama sa survey, na may tsismis o fake news sa social media. 79% din sa kanila ang nagsabi na alam nila na widespread o kalat ang mga fake news sa social media. Kaya lamang, 51% pa rin ang nagsasabi na ang kanilang mga pampulitikang opinyon ay nabago dahil sa fake news. Ano ba ang dapat gawin?

Kapanalig, dahil sa fake news, nagiging bulag ang mga mamamayan sa tunay na nangyayari sa bayan. Ginagawa tayo nitong panatiko ng mga lider na hindi lamang mga institusyon ng lipunan ang sinisira, kundi pati ang ating sense of right and wrong. Ang ating pagkatao na mismo ang nayuyurakan ng fake news—nawawalan na tayo ng dignidad. Kaunting udyok lamang ng balita, sunod-sunuran na tayong nakikipagmurahan sa social media, o nakikipag-tunggalian sa pilahan bago maunahan, o nangungutya sa pagkatao ng kalaban sa pulitika ng ating idolo, kahit wala tayong alam sa katotohanan. Asan na ang ating pagkatao, ang ating kakayahang manuri, ang ating dangal, sa gitna ng fake news?

Kapanalig, ayon sa Fratelli Tutti: “True wisdom demands an encounter with reality.” Kapanalig, lagi nating tanggihan ang fake news. Dapat tayo ay naka-ugat sa katotohan. Bantayan natin ang misinpormasyon; lahat tayo ay maaring mabiktima nito.

Sumainyo ang Katotohanan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 10,323 total reads

 10,323 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 11,717 total reads

 11,717 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 25,149 total reads

 25,149 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 62,527 total reads

 62,527 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 93,797 total reads

 93,797 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 169,435 total reads

 169,435 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 262,450 total reads

 262,450 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Halimbawa sa taumbayan

 25,150 total reads

 25,150 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 62,528 total reads

 62,528 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 93,798 total reads

 93,798 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 169,436 total reads

 169,436 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »
Scroll to Top